Misis ni Eruption, umalma sa mga body-shaming sa kanya ng ilang netizens

Misis ni Eruption, umalma sa mga body-shaming sa kanya ng ilang netizens

- Sa kanyang Facebook post, inilabas ni Rona Tai ang kanyang saloobin kaugnay sa naranasan niyang body-shaming

- Ito ay sa post ng kanyang mister na si Eruption kamakailan kung saan sinagot din nito ang isang netizen

- Ani Rona, pinagdadasal niya ang mga taong nag- body shame sa kanya na makahanap sila ng true & unconditional love

- Dagdag pa niya, kahit ano pa ang sabihin ng mga body-shamers, hinding-hindi ito makatinag sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos mag-viral ng sagot ng kanyang mister na si Eruption sa isang netizen, naglabas din ng saloobin si Rona Tai kaugnay sa kanyang naranasang body shaming. Agad na nag-viral ang komento ng isang netizen sa Facebook post ni Eric Tai na kilala din bilang si Eruption. Nagtanong ito kay Eric Tai kung bakit hindi niya makumbinsi ang kanyang misis na mag-exercise.

Read also

Eric Tai, buong pagmamalaking ibinida ang misis; umalma sa body-shaming

Misis ni Eruption, umalma sa mga body-shaming sa kanya ng ilang netizens
Photo from @eruption23
Source: Facebook

Imbes na magpaapekto ay pinili ni Eric na ibida ang kanyang misis upang ipaalam kung gaano siya ka proud dito. Aniya, isa ang kanyang misis sa mga plus size model sa bansa at maraming mga brands ang kumukuha sa kanya.

Ani Rona, pinagdadasal niya ang mga taong nag- body shame sa kanya na makahanap sila ng true & unconditional love. Dagdag pa niya, kahit ano pa ang sabihin ng mga body-shamers, hinding-hindi ito makatinag sa kanya:

To everyone that body shamed me on my husband’s recent Christmas post. My prayer for you is to find true & unconditional love. Not just from your significant other, but also from yourself. Love yourself enough even if you’re going through something that you will see it’s beauty and strength despite it’s imperfection.Yes, feel free to ZOOM in. Know that you can body shame me all day long, but sweetheart, that don’t faze me!

Read also

Maggie Wilson, nagbahagi ng video ng kanyang anak na si Connor

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Eric Tai ay isang Tongan actor, model, TV host, comedian at isang rugby union player na naglaro para sa Alabang Eagles at kumatawan sa Pilipinas sa national rugby union team. Naging isa din siya sa naging host ng It's Showtime kung saan nakilala siya sa bansag na Eruption.

Noon pa man ay kinabiliban na si Eric sa kanyang pagpapakita ng kanyang pagmamahal sa kanyang misis. Matatandaang nanganak ng maaga sa kanyang nakatakdang araw ng panganganak ang misis ni Eruption noong 2019.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel