Half-sister ni "Kristine," humingi ng tawad sa pamilyang Maguad
- Emosyonal na humingi ng tawad ang half-sister ni alyas Kristine sa ina ng magkapatid na Maguad
- Humingi naman ng tulong ang ina ng magkapatid sa half-sister niya para makausap nila ang ama ni Kristine
- Gayunpaman, tanging sa mama lang umano nila siya may contact kaya wala siyang maisagot tungkol sa kung paano nila makakausap ang ama ng kanyang half-sister
- Matatandaang, nauna nang nanawagan si Mr. Maguad na tulungan silang mahanap ang ama ni Kristine dahil sa paniniwala nila ay may kinalaman ito sa nangyaring krimen
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi mapigilang maiyak ng half-sister ni alyas Kristine nang makausap nito ang ina ng magkapatid na Maguad. Sa video na binahagi ng News Line Philippines, humingi ito ng dispensa sa pamilyang Maguad dahil nagawa ng kanyang half-sister.
Maging siya ay saksi kung paano tinuring na paarang kapamilya ng mga Maguad si Kristine. Aniya, nakita niya pang halos pare-parehas sila ng gamit ni Gwen, isa sa magkapatid na pinaslang. Hindi nila umano lubos maisip kung paano nagawa ni Kristine iyon gayong napakaayos ng pakikitungo sa kanya ng pamilyang Maguad.
Humingi naman ng tulong ang ina ng magkapatid sa half-sister niya para makausap nila ang ama ni Kristine. Gayunpaman, tanging sa mama lang umano nila siya may contact kaya wala siyang maisagot tungkol sa kung paano nila makakausap ang ama ng kanyang half-sister.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang, nauna nang nanawagan si Mr. Maguad na tulungan silang mahanap ang ama ni Kristine dahil sa paniniwala nila ay may kinalaman ito sa nangyaring krimen noong December 10, 2021. Parehas na pinaslang ang magkapatid sa loob mismo ng kanilang bahay.
Sa pagkakaroon ng social media, mas malawak na ang naabot ng mga balita. Kaya naman, sa mga balitang nakakaantig, mas maraming mga tao ang tumututok. Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.
Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.
Source: KAMI.com.gh