Maguad siblings murder case, solved na matapos umamin ng salarin
- Isinapubliko ng otoridad ang tungkol sa pagkaka-solve ng Maguad siblings murder case nitong Sabado
- Ayon kay Major Realan Mamon, chief ng municipal police, umamin ang adopted na school girl ng pamilya na siya ang responsable pagkakapaslang sa dalawa
- Ayon sa mga imbestigador, maaring sibling rivalry ang nagtulak sa salarin upang gawin ang krimen na talaga namang tinutukan ng publiko
- Nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development ang suspek samantalang paatuloy pang pinaghahanap ang isa pang suspek
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Maituturing na case solved na ang Maguad siblings murder case matapos sabihin ni chief ng municipal police Major Realan Mamon na umamin na ang school girl. Inamin umano niyang siya ang responsable sa pagkakapaslang sa magkapatid.
Sa ulat ng Philippine Star, ayon sa mga imbestigador, maaring sibling rivalry ang nagtulak sa salarin upang gawin ang krimen na talaga namang tinutukan ng publiko. Gayunpaman, hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon ang mga imbestigador kaugnay dito.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development ang suspek samantalang paatuloy pang pinaghahanap ang isa pang suspek.
Samantala, nauna nang hiniling sa publiko na iwasang i-post ang picture ng biktima na kuha sa crime scene.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang naganap ang pagpaslang sa magkapatid nitong ika-10 ng Diyembre ng hapon. Sa mga naunang ulat, sinabi ng umamin na school girl ng pamilya na nagtago siya sa loob ng silid kaya siya nakaligtas.
Sa isang panayam ng Sky Teleradyo M'lang, ikinuwento ng ama ng mga bata na isa ding guro ang mga kahina-hinalang napansin sa kilos ng kanilang school girl.
Nauna na ring naiulat ng Sky Teleradyi M'lang na pormal nang sinampahan ng kaso noong december 16, 2021 ng Mlang Pnp kasama ang special investigations task group SITG ang mga suspek.
Sa pagkakaroon ng social media, mas malawak na ang naabot ng mga balita. Kaya naman, sa mga balitang nakakaantig, mas maraming mga tao ang tumututok. Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.
Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.
Source: KAMI.com.gh