Maguad siblings murder case, 90% solved na ayon sa mga otoridad
- Base sa salaysay ng mga magulang ng napaslang na magkapatid na Maguad, 90% solved na umano ang kaso
- Ito ay ayon na rin sa isinagawang imbestigasyon ng otoridad sa crime scene na mismong bahay ng mga biktima
- 18 at 16 anyos lamang ang magkapatid na pinaslang matapos pasukin umano ng tatlong katao ang kanilang bahay
- Tanging ang kanilang school girl naman na itinuturing na malapit na kaibigan ng isa sa biktima ang nakaligtas
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isa sa pinakatinututukang kaso sa kasalukuyan ay ang pagpaslang sa magkapatid na Maguad na nangyari sa mismong bahay nila sa Barangay Bagontapay, Mlang Cotabato. Nadiskubre ng kanilang ama ang nangyari sa kanila matapos itong umuwi sa kanilang bahay.
Base sa salaysay ng mga magulang ng napaslang na magkapatid na Maguad, 90% solved na umano ang kaso.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa isang panayam ng Sky Teleradyo M'lang, naikwento ng mag-asawa ang pangyayari kung saan tanging ang kanilang school girl lang ang nakaligtas.
Gayunpaman, ikinuwento ng ama ng mga bata na isa ding guro ang mga kahina-hinalang napansin sa kilos ng kanilang school girl.
Ilang beses umano itong namataang may kausap sa telepono noong mismong araw kung kailan nangyari ang krimen.
May nakakita din umano na isang babae ang nagatuloy sa isa sa mga suspek. Gayunpaman, ayon sa ama ng mga biktima, hindi niya anak ang nagpatuloy sa lalaki na isa lamang sa tatlong suspek.
Alam umano niya na nasa silid lang nito ang anak dahil may inaaral umano ito sa kanyang silid nang umalis ang ama.
Nakatanggap siya ng mensahe kung saan pinapauwi umano siya dahil pinasok ang kanilang bahay. Dito na niya nadatnan ang mga anak na wala nang mga buhay.
Para naman sa ina ng mga biktima, handa siyang magpatawad kung ito umano ang makakagaan para sa mga anak.
Sa pagkakaroon ng social media, mas malawak na ang naabot ng mga balita. Kaya naman, sa mga balitang nakakaantig, mas maraming mga tao ang tumututok. Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.
Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.
Source: KAMI.com.gh