Mga hiling ngayong Pasko ng mga bilanggo sa Cavite, umantig sa puso ng marami
- Viral ang post ng isang jail officer kung saan ipinakita niya ang mga hiling ng mga bilanggo sa Cavite
- Karamihan sa mga ito ay simple lamang na mga kahilingan na hindi lamang nila makuha dahil siya ay hindi pa laya
- Ang iba naman, piniling humiling para sa kanilang pamilya na hindi naman nila mabigyan dahil sila ay nakakulong
- Hiling ng jail officer na sana'y matupad ang mga hiling ng mga PDL upang mapasaya naman ang mga ito ngayong Pasko
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Umantig sa puso ng mga netizens ang post ng jail officer na si Bryan Villaester ng Bureau of Jail Management and Penology ng Naic, Cavite.
Nalaman ng KAMI na ipinakita niya ang mga hiling ng mga bilanggo o persons deprived of liberty sa Naic ngayong darating na kapaskuhan.
Gamit ang makukulay na papel, pinasulat nila ang mga ito ng kani-kanilang hiling na nais makamit ngayong Pasko.
Ang ilan, simpleng mga hygiene lamang ang hiling ng mga sabon, shampoo at toothpaste na magagamit nila sa loob.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Subalit ang mga kapansin-pansin ay ang mga hiling na hindi para sa kanila kundi para sa mga mahal nila sa buhay na hindi nila mabigyan dahil sila ay nakakulong.
Isa na rito ang hiling ng isang ama na mabigyan ng cellphone ang anak niyang walang magamit para sa online class nito.
Ang isa naman, groceries ang hiling para sa mga anak niyang hindi niya muling makakapiling ngayong Pasko.
Narito ang kabuuan ng post:
Samantala, matatandaang nag-viral din ang ginawa ng isang mabait na pulis na pinahiram umano ng cellphone ang isang preso na nais na makita at makausap ang kanyang pamilya.
Dala kasi ng pandemya, hindi basta-basta makadalaw ang mga mahal sa buhay ng mga bilanggo sa banta na maari pa ring makahawa ito sa mga taong dadalawin nila sa loob.
Nagkaroon pa noong nakaraang taong 2020 ng tinatawag na e-dalaw kung saan bibigyan ng kaunting sandali ang mga preso na makausap ang kanilang mga mahal sa buhay online.
Sa ganitong paaran, malalaman pa rin nila ang kalagayan ng mga ito lalo na sa gitna ng pandemya na siyang nagpalala pa ng sitwasyon.
Source: KAMI.com.gh