Mabait na pulis, pinahiram ng phone ang preso para muling makausap ang pamilya nito

Mabait na pulis, pinahiram ng phone ang preso para muling makausap ang pamilya nito

- Tampok sa social media ngayon ang kwento ng isang pulis at preso sa gitna ng krisis

- Kwento ng pulis, pinahiram niya sa preso ang cellphone niya upang makausap nito muli ang pamilya niya

- Umiiyak naman ang preso nang muli niyang makausap ang mag-ina niya kahit sa video call lang

- Paliwanag ng pulis, online dalaw lang muna ang pwede sa kanila ngayon dahil sa banta ng COVID-19

- Maging ang mga netizens ay natuwa sa kabutihang ipinamalas ng pulis sa preso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang pulis ang nag-viral sa social media dahil sa kanyang ipinamalas na kabaitan sa preso ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa.

Nalaman ng KAMI na pinahiram ng pulis ang cellphone niya sa preso para muli nitong maka-usap ang pamilya niya.

Ayon sa Facebook post ni Flavio Ang Panday, naiyak ang preso nang muli niyang maka-usap at makita ang mag-ina niya kahit sa video call manlang. Labis ang pasasalamat ng preso sa pulis dahil sa kabutihan nito.

“Inmate man siya may karapatan din siya para makausap asawa niya at mga anak niya,” sabi ng pulis.

“Umiiyak siya kaya pinahiram ko siya ng celphone ko para man lang makausap niya mga mahal niya,” dagdag niya pa.

Paliwanag ang pulis, sa ngayon ay “e-dalaw” o online dalaw system muna ang pwede sa preso ngayon dahil sa banta ng COVID-19. Ito ay para na rin sa proteksyon ng mga pulis at mga bilanggo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naantig naman ang puso ng mga netizens sa mabait na pulis. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“sana maraming taong tulad nyo sir....i salute you....god bless you sir...”
“Salamat Sir sa pag unawa at kabaitan,tularan ka nawa ng lahat, Salute”
“Salute ako sa mga ganitong uri ng pulis mabuhay kayo sir”
“Sana all ganyan ang mga police marunong makiramdam sa fellings ng ibng tao.my malambot na puso po kyo sir saludo po ako sayo sir.”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel