Inmate, matiyagang tinuturuan ang limang taong gulang na anak sa 'e-dalaw'

Inmate, matiyagang tinuturuan ang limang taong gulang na anak sa 'e-dalaw'

- Viral ang mga larawan ng isang preso na matiyagang nagtuturo sa kanyang limang taong gulang na anak online

- Sa loob ng limang minuto na binibigay sa mga preso para makausap ang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng video call, nagagawa ito ng ama sa anak

- Araw-araw ay naghahanda rin ng mga visual aid ang ama upang may maituro ito sa kanyang anak

- Maraming netizens ang naantig ang puso sa gawain na ito ng ama maiparamdam lamang sa kanyang anak ang pagmamalasakit niya lalo na at nag-aaral na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inmate, matiyagang tinuturuan ang limang taong gulang na anak online

Photo from Tristan Nodalo's Facebook
Source: Facebook

Agaw-eksena sa social media ang larawan ng isang ama na matiyagang nagtuturo sa kanyang limang taong gulang na anak kahit nasa loob siya ng bilangguan.

Nalaman ng KAMI na sa pamamagitan ng online dalaw, ginugugol ng ama ang limang minuto niya sa pagtuturo sa kanyang anak.

Anak, nais paalisin ang kabit ng ama na sinisiraan daw ang kanyang ina

Binahagi ng CNN Philippines correspondent na si Tristan Nodalo ang mga larawan ng amang si 'Tom' na kasalukuyang nasa piitan pa rin.

Ayon sa jail warden na si JM Sabeniano, araw-araw na naghahanda ng visual aid si Tom para lamang mas maayos ang pagtuturo niya sa kanyang anak.

Dahil dito, maraming netizens ang naantig ang puso sa ginagawa na ito ng ama para lamang maiparamdam sa kanyang anak ang suporta at pagmamalasakit niya rito lalo na ngayong nag-aaral na ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ulirang ama pa rin, kahit sa anong sitwasyon, sinikap niyang magpaka-ama"

"Why am I in tears? naluha po ako looking at the pictures pa lang..."

"Blessed are those fathers who dont forget their responsibilities even when they already messed up."

"Godbless you sir! Hope makasama mo na ang family mo"

Video ng mister na napaiyak dahil sa surpresa ng misis, nagpakilig sa netizens

"Sana ma-serve mo na kung ano man ang kaparusahan ng iyong nagawa para makasama mo na ang anak mo po."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Abril ngayong taon nang magsimula ang "e-dalaw" sa mga kababayan nating bilanggo base sa ulat ng Manila Bulletin.

Ito ang naisip na paraan ng mga awtoridad upang maibsan ang kalungkutan ng mga nasa piitan na hindi maaring madalaw ng kanilang mga mahal sa buhay dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19.

Mula noon, ito ang nananatiling paraan nila upang makapag-kumustahan at malaman ang kalagayan ng bawat isa.

Ito rin ang ginamit na pagkakataon ni 'Tom' upang maturuan ang anak para sa kanyang aralin kahit pa hindi sila magkasama.

Ayon sa ulat ng Inquirer, nito lamang Hunyo ay nakatanggap na ng mga donasyong laptop ang iba't ibang lugar sa bansa upang mapagtibay ang "e-dalaw" o online dalaw sa mga preso.

Driver na nagpaalam na papasada, nahuli ng misis na nasa bahay lang ng kabit

Isa rin itong hakbang sa pag-iingat sa COVID-19 lalo na at hindi naiwasang magkaroon ng hawahan kahit nasa loob na ng selda.

Matatandaan una nang nai-ulat ng KAMI ang nakakataba ng pusong ginawa ng mga inmates ng Quezon kung saan nanahi sila ng face masks para naman sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal noong Enero.

Ilan lamang ito sa mga patunay na kahit nasa loob ng rehas, maari pa rin namang makagawa ng para sa ikabubuti ng mga nasa labas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel