Lolo na umaakyat ng puno para kumita ng pera, natulungan ng RTIA

Lolo na umaakyat ng puno para kumita ng pera, natulungan ng RTIA

- Natulungan ng Raffy Tulfo in Action ang isang lolo sa Bicol na nagagawa pa ring umakyat ng puno upang mayroong pagkakitaan

- Bukod dito, namamasada rin siya ng side car na pinagkukunan nila ng gastusin ng kanyang apo

- Pinaaaral din niya ang kanyang 17-anyos na apo na ayaw naman niyang payagan na magtrabaho na

- Maliban sa paunang padalang tulong pinansyal, makatatanggap din ng appliances ang lolo at gadget para sa nag-aaral na apo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naluluha sa saya si Lolo Pablo Esmenda sa Bicol nang malamang matutulungan siya ni Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na si Lolo Pablo ay nagagawa pang umakyat ng puno ng niyog kapag napakiki-usapan at kumukita lamang ng Php 25 kada puno na kanyang inaakyat.

Dalawang concerned netizen ang nagpadala ng video ni lolo na umaakyat ng puno sa Raffy Tulfo in Action upang mabigyan ng kabuhayan si lolo at hindi na gawin ang buwis-buhay na pag-akyat lalo na at siya at matanda na.

Read also

Pinay mommy sa Italy, ibinahagi ang kanyang fitness journey: "Samahan niyo ako guys!"

Lolo na umaakyat ng puno para kumita ng pera, natulungan ng RTIA
Photo: Pablo Esmenda (Raffy Tulfo in Action)
Source: Facebook

Kasa-kasama na lamang ni lolo ang kanyang 17-anyos na apo na si Joan na hindi naman niya payagang magtrabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kumikita lamang siya sa pagpasada ng side car kung saan 50-100 ang kanyang kinikita kada arawl.

Paaral din niya ang apo kaya naman ang hiling sana niya kay Tulfo ay cellphone na magagamit nito sa klase.

Subalit hindi lamang cellphone ang ipadadala ni Tulfo kundi tablet kaya naman naluha sa saya ang apo ni Lolo Pablo.

May kabuuang Php50, 000 naman ang paunang tulong na ipaabot kay Lolo Pablo mula sa kanilang Idol Raffy at anak nitong si Ralph.

Sasadyain din sila roon ng staff ni Tulfo upang maipamili sila ng mga gamit sa bahay.

Narito ang kabuuan ng nakaaantig pusong kwento ni Lolo Pablo mula sa Raffy Tulfo in Action:

Read also

Madam Inutz, 'di napigilang maluha nang makitang bumubuti ang kalagayan ng kanyang ina

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga respetadong news anchor sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo' tuwing hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Kilala rin siyang sa pagiging isang YouTube Personalita sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica