Pinay mommy sa Italy, ibinahagi ang kanyang fitness journey: "Samahan niyo ako guys!"

Pinay mommy sa Italy, ibinahagi ang kanyang fitness journey: "Samahan niyo ako guys!"

- Isang Pinay mommy sa Italy ang nagbahagi ng kanyang fitness journey na ikinamangha ng marami

- Aminado siyang pabalik-balik ang taas-baba ng kanyang timbang sa loob ng halos sampung taon ngunit hindi na ngayon

- Dahil sa kanyang determinasyon na panatilihin ang kanyang nararapat na timbang, todo disiplina talaga ang kanyang ginawa

- Hinikayat niya ang iba na pangalagaan ang sarili sa paraang alam at nararapat para sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naibahagi ng isang Pinay mommy sa Italy na si Marilyn Abenido ang kanyang 'fitspiration journey" na tunay nga namang nakaka-inspire.

Nalaman ng KAMI na makailang beses siyang sumubok na mag-diet at nakabawas naman talaga ng kanyang timbang ngunit aminado siyang hindi niya naitutuloy.

Pinay mommy sa Italy, ibinahagi ang kanyang fitness journey: "Samahan niyo ako guys!"
Photo: Marilyn Abenido
Source: UGC
"Medyo tamad din kasi mag-exercise at mas ganado kumain. Dami ko din diet sinubukan pero lahat 'yun walang nag-succeed kasi food is life yung mentality ko noon," ayon kay Marilyn.

Read also

Lolo na umaakyat ng puno para kumita ng pera, natulungan ng RTIA

Hanggang sa nasubukan niya ang low-carb diet at intermittent fasting na humiyang sa kanyang lifestyle.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aminado man siya na natutukso na kumain ng kanina, mas determinado siya ngayon na ipagpatuloy ang pangangalaga sa sarili lalo na at nakikita niya ang resulta.

"Medyo mahirap sa simula kasi lumaki ako sa kanin. May mga times din na mag-cheat ako lalo na nung nagsimula palang kasi parang gutom is real. Pero unti-unti na-realize ko kung ano ba talaga gusto ko. Ipagpatuloy ko ba o hindi? Kaya ko ba to o hindi? Pero ayaw ko din babalik sa pagka-overweight ko!"

Aniya, hindi na lamang para sa sarili ang kanyang ginagawa kundi para na rin sa kanyang pamilya. Nais niyang maging healthy para sa mga ito.

"Hanggang nabalik yung motivation ko kasi meron akong gustong patunayan na kaya ko. (Ang nasa isip ko: gawin ko to para sa pamilya ko) and for health purposes!"

Read also

Madam Inutz, 'di napigilang maluha nang makitang bumubuti ang kalagayan ng kanyang ina

Narito ang kabuuan ng kanyang inspiring post:

Kamakailan, kinagiliwan ang viral post ng misis na si Cris Cringol kung saan napagtagumpayan niyang magbawas ng timbang.

Nalaman ng KAMI na bukod pa rito, may premyo rin sa kanya ang kanyang mister umano na nagkakahalaga ng Php50,000.

Hinamon daw kasi siya nito na magpapayat at sa loob nga ng limang buwan ay halos 20 kilos ang nabawas sa kanyang timbang.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel