Ama ng magkapatid na Maguad, nanawagan para mahanap ang ama ni "Christine"
- Sa kanyang Facebook account, nanawagan ang ama ng nasawing Maguad siblings para mahanap ang ama ni "Christine"
- Si "Christine" ang isa sa suspek na umaming responsable sa pagpaslang sa magkapatid na Maguad
- Ayon sa ama ng magkapatid, naniniwala silang malaki ang kanyang partisipasyon sa karumaldumal na krimen
- Naniniwala din umano sila na siya ang utak sa pagplano ng krimen na naganap noong ika-10 ng Disyembre sa M'lang North Cotabato
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kanyang Facebook post, nakiusap ang ama ng magkapatid na Maguad na si Cruz Jr Maguad na tulungan silang mahanap ang ama ni "Christine". Nauna nang umamin si "Christine" sa krimen na ikinasawi ng magkapatid noong ika-10 ng Disyembre sa M'lang, North Cotabato.
Ayon sa ama ng magkapatid, naniniwala silang malaki ang kanyang partisipasyon sa karumaldumal na krimen. Naniniwala din umano sila na siya ang utak sa pagplano ng krimen na naganap.
Nagahangyu ako sa tanan nga cotabatenio kag mga taga iban kasikbit nga probinsya nga tabangan kami sa paglocate sa father ni janice o christine/school girl kay daku amon pagtuo nga may partisipasyon sya sa krimen kag sya gid mismo ang utak sa pagplano...damo gid nga salamat sa inyong suporta n prayers.god bless you.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa ulat ng Philippine Star, ayon sa mga imbestigador, maaring sibling rivalry ang nagtulak sa salarin upang gawin ang krimen na talaga namang tinutukan ng publiko. Gayunpaman, hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon ang mga imbestigador kaugnay dito.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development ang suspek samantalang paatuloy pang pinaghahanap ang isa pang suspek.
Samantala, nauna nang hiniling sa publiko na iwasang i-post ang picture ng biktima na kuha sa crime scene.
Sa pagkakaroon ng social media, mas malawak na ang naabot ng mga balita. Kaya naman, sa mga balitang nakakaantig, mas maraming mga tao ang tumututok. Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.
Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.
Source: KAMI.com.gh