Nag-viral na palaboy noon na si "Kuya Berta", admin staff na ngayon
- Kahanga-hanga ang sinapit ng dating palaboy na si Kuya Berta na isa na ngayong admin staff
- Ibinahagi ng rehabilitation na pinaglagakan sa kanya ang transformation na nangyari kay Kuya Berta
- Nagtatrabaho na rin mismo siya roon at makikitang malaki ang kanyang pinagbago lalo na sa kanyang pangangatawan
- Matatandaang nag-viral si Kuya Berta dahil sa ilang netizens na nakuhanan siya ng video habang nagbabahagi siya ng mga pahayag na kinapupulutan ng aral ng marami
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami ang napa-wow sa transformation na nangyari sa nag-viral na palaboy noon na si Kuya Berta.
Nalaman ng KAMI na si Kuya Berta ay palaboy sa Cebu city na minsan na ring itinampok sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Sa tulong ng mismong rehabilitation center na pinaglagakan sa kanya ng isang nagmalasakit na vlogger, nagkaroon ng trabaho si Kuya Berta bilang isa sa kanilang administrative staff.
"2 years ago Kuya Berta would have never thought that he would be working as an admin staff for SafeHaven but our Lord God is truly amazing and works wonders"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dating guro si Kuya Berta na nalulong umano sa ipinagbabawal na gamot nang mabigo sa pag-ibig.
Sa post ng Safehaven Addiction Treatment and Recovery Village, ipinakita nila ang re-enactment ni Kuya Berta ng isa sa mga larawang kuha noong pulubi na lamang siya sa lansangan.
Kitang-kita ang maayos na pangangatawan na ngayon ng dating pulubi na tinagurian din nilang "Ambassador of Hope"
Narito ang kabuuan ng post:
Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.
Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pagtawid ng mga guro sa ilog makapaghatid lamang ng mga learning modules sa kanilang mga estudyante.
Tinutukan din ng marami ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na dinagsa naman ng tulong at natigil na sa pagtatrabaho buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.
Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh