Bagong kasal, gumastos lang ng nasa Php3,000 sa reception na may unli-rice at unli-sabaw
- Hinangaan ng marami ang pagiging praktikal ng isang bagong kasal sa Cebu dahil umabot lang sa Php3,000 ang nagastos sa kanilang reception
- Unli-rice at unli-sabaw pa sila sa kainan at may dessert pa silang halo-halo
- Ayon sa mag-asawa, bahagi ito ng kanilang pagtitipid lalo na at walong buwang buntis na ang bride
- Sa fast food na rin ginanap ang ilang mga bahagi ng wedding reception tulad ng money dance at pagbubukas ng regalo
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Tunay na kahanga-hanga ang pagiging paraktikal ng bagong kasal na sina Rhaqueza at Rian Baynosa na ang wedding reception ay ginanap sa isang fast food.
Nalaman ng KAMI na plano sana ng mag-asawa na kahit na paano'y magara ang kanilang handaan subalit kinakailangan din nilang magtipid lalo na at walong buwang buntis na si Rhaqueza.
Kahit nakasuot pa ng wedding gown, ang bride ang nagtungo sa counter para mag-order.
Solb at nabusog naman sila at ang kanilang mga bisita dahil sa chicken inasal na may unli-rice at unli-sabaw. Meron din silang halo-halo para sa dessert.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
At ang ginastos lang ng mag-asawa? Php3,044 lamang para sa 15 katao kasama na sila.
Anila, hindi man ganoon kagarbo ang kanilang reception, hindi naman sila mamomroblema sa kakaisip dahil wala silang ipinangutang para lang sa bonggang reception.
Sa fast food na rin nila isinagawa ang mga bahagi ng reception tulad ng money dance at pagbubukas ng regalo.
Kamakailan, nag-viral din ang kwentong kasalan kung saan hindi inaasahang bumuhos ang malakas na ulan sa isang outdoor wedding.
Subalit imbis na itigil ang seremonya, mismong ang mga bisita ang nagdesisyon na ituloy ang kasal at hindi nila iiwan ang bride at groom.
Makikita sa kanilang larawan na basa ang lahat at matiyagang nakiisa masaksihan lamang ang pag-iisang dibdib ng dalawang malapit sa kanila.
Gayundin ang isang bride na bagaman at iniwan na ng groom, matapang na itinuloy pa rin ang kanyang bridal shoot gayung mayroon na siyang wedding dress.
Ipinaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng kani-kaniyang komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh