Virgelyncares, napasaya at natulungan ang isang lola na wala nang makain
- Napasaya ng vlogger na si Virgelyn ng Virgelyncares Vlog ang isang lola na namuumhay na lamang mag-isa
- Nadaanan niya ito habang nangangalap ito ng makakain at si Virgelyn mismo ang tumawag sa lola
- Nagtaka pa ang lola kung bakit siya tinulungan ni Virgelyn kaya tinanong niya ito kung kakandidato ba ang vlogger sa darating na eleksyon
- Sinabi naman ni Virgelyn na hindi na niya kailangang kumandidato para gawin ang pagtulong dahil adbokasiya niya ang magpaabot kahit pansaing man lang ng kanyang mga natutulungan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Mababakas talaga ang saya sa isang lola na natulungan ng vlogger na si Virgelyn. Nadaanan lamang siya nito at tinawag para mabigyan ng biyaya.
Nalaman ng KAMI na namumuhay na lamang mag-isa ang lola gayung ang kanyang anak ay nasa Maynila.
Nang madaanan nga ito ni Virgelyn sa kalsada, pinatawagan niya ang anak at nanghihingi ito ng padala dahil wala na raw siyang makain.
Kwento ng lola, may grocery daw ang anak sa Maynila at ang apo naman niya ay nagtatrabaho umano sa barko.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hindi nagdalawang isip si Virgelyn na ibili ng mga grocery ang lola upang hindi na nito problemahin ang kakainin nito sa araw-araw.
Kaya naman diretsahan siyang natanong nito kung siya ba ay kakandidato sa darating na eleksyon.
"Hindi ko na kailangan magkandidato... Adbokasiya ko talaga ang magpaabot kahit pansaing niyo manlang," sagot ni Virgelyn na nakilala sa mga vlog niya tungkol sa mga taong labis na nangangailangan ng tulong sa Bicol.
Bukod sa grocery, inabutan din niya ng tulong pinansyal ang lola kaya naman labis-labis ang kasiyahan nito.
Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang vlogger sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa. Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan. Umabot na sa 1.2 million ang kanyang mga subscribers.
Si Virgelyn ang naging daan upang makita ng publiko ang kalagayan ngayon ng dating artista na si Mura.
Dahil din dito, napuntahan ito ng kanyang kaibigan at partner sa mga palabas sa telebisyon na si "Mahal" ilang linggo bago ito pumanaw nitong Agosto 31.
Kamaikailan, nagdiwang ng kaarawan si Virgelyn kung saan mas pinili niyang makasama ang Aeta community sa kanila para mabigyan niya ang mga ito ng tulong.
Source: KAMI.com.gh