OFW, proud sa kabutihan ng amo; "parang batang kapatid ang turing niya sa akin"

OFW, proud sa kabutihan ng amo; "parang batang kapatid ang turing niya sa akin"

- Proud ang isang OFW sa kanyang amo na kapatid na ang turing sa kanya

- Pamilya na ang trato ng pamilya ng amo na nagagawa siyang alagaan tuwing siya ay nagkakasakit

- Marami na rin itong naibigay sa kanya tulad ng mga gadget, alahas at iba pang mga regalo

- Kaya naman nang bumalik siya sa Pilipinas para magpakasal, hindi raw muna siya pinalitan ng mga ito gayung ayaw nila ng iba pang makakasama kundi siya lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinagmamalaki ng overseas Filipino worker na si Gelyn Nabua na noo'y na sa Amman, Jordan ang kabaitang ipinamalas sa kanya ng pamilya ng kanyang amo.

Nalaman ng KAMI na taliwas sa mga nababalitaan nating kamalasan na nangyayari sa ating mga OFW, si Gelyn at pamilyang itinuring ng kanyang mga amo.

Read also

OFW na kumanta sa mall sa Dubai, nagulat nang pinalakpakan ng mga nanonood sa kanya

Napalapit na rin ang loob niya maging sa mga anak nito gayung parang kapatid na raw ang trato sa kanya ng among babae.

OFW, proud sa kabutihan ng amo; "parang batang kapatid ang turing niya sa akin"
Si Gelyn at ang kanyang amo (Photo from Gelyn Nabua)
Source: Facebook

Kaya naman nang siya'y bumalik ng Pilipinas para magpakasal. hindi muna siya pinalitan dahil nais pa rin siyang makasama ng pamilya ng amo sa Jordan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanyang nakakataba ng pusong kwento na naibahagi sa KAMI:

After 11 years umuwi na po ako sa Pinas may pamilya na po ako may isang anak.
Sa mga amo ko naman po, napakabait po nila. 11yrs po ako sa kanilaat may alaga ako dalawa. tinuring nila akong parang pamilya. Pag may sakit ako amo kng babae nag- aalaga sakin. Timpla ng kape bigay ng pagkain. Minsan nga kinukumutan pa ako pag-check niya ako sa room ko. Naging malapit ako sa dalawa kong alaga. Mahal na mahal ko sila na para kong tunay na anak. Tapos po yung amo ko lagi niya ako binibigyan ng gift. Alahas, phone, laptop damit. Parang batang kapatid ang turing niya sa akin. Kaya nung umuwi ako dito sa Pinas at nag-asawa. Yun yung pinakamasakit na ginawa ko yung iwan ko sila lalo n mga alaga ko. Kaya po hanggang ngayon di na sila kumuha ng kahit sinong kapalit ko kasi ayaw nila na palitan ako sa buhay nila.

Read also

Madam Inutz, sinurpresa at pinasaya ang isa sa mga naging nanay-nanayan niya

Yung pandemic naman po medyo nahirapan lang ng konti pero awa ng Diyos po nakakaraos naman kami sa araw-araw. Ang naipundar ko po yung lupa't bahay ko sa Palawan.. Yung bangka ng tatay ko kaso nabenta na kasi di na niya kaya maglaot. Ngayon po may maliit kaming tindahan pangkabuhayan.
Ang realization ko po sa pagiging OFW, paswertihan po. at di lahat ng amo ay hindi mabait. Kasi pananaw ng iba basta arabo pangit ugali pero di po totoo yun kc mga tao din po sila may kanya kayang ugali parang Pinoy din, may mabait, may masama....thank you po.. 'Yun lamang po at salamat.

Nakatutuwang malaman na marami na sa ating mga kababayang OFW ay unti-unti nang naaabot ang mga pangarap nila sa buhay sa kabila ng matitinding dagok na kanilang napagdaanan.

Ang iba, sagana sa mga regalo at mga bagay na binibili sa kanila ng kanilang amo lalo na ngayong pandemya na talaga namang hindi sila pinabayaan.

Habang ang ilan, negosyong payayabungin ang talagang inuna nilang ipundar upang agad din silang makabalik sa Pilipinas at hindi na muling iwan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica