Isa pang TikTok video, muling nag-viral sa kabila ng pagka-alarma ng DepEd

Isa pang TikTok video, muling nag-viral sa kabila ng pagka-alarma ng DepEd

- Isa pang TikTok video ang viral ngayon kung saan isa muling guro ang nag-video

- Payo raw niya ito sa isa ring guro na nagpakita ng reaksyon nito sa pagpapa-cute umano sa cute na estudyanteng dadaan

- Ayon sa video, sana'y principal na lamang umano ang pinatungkulan ng naunang guro na nag-upload nang hindi pa ito nagkaproblema

- Pinaiimbestigahan na ng Department pf Education ang naunang kontrobersyal na post ng isa umanong guro na maaring mag-insinuate umano ng child abuse

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang TikTok video muli ang lumabas na gawa ngempleyado ng DepEd na si @docmack6 Mackie Berin.

Ibinahagi ni Mackie ang kanyang video bilang payo umano sa guro sa kontrobersyal na TikTok ng isang guro patungkol sa pagpapa-cute sa dumaang cute na estudyante.

TikTok video ng isa pang guro, muling nag-viral sa kabila ng pagka-alarma ng DepEd
TikTok video ni Mackie Berin (@docmack6)
Source: UGC

"Ganito nalang sana ginawa mo sir, para di nanginig ang Deped sa content mo. Nakatulong pa sana sa promotion mo" Nag caption ng kanya na ngayong viral video.

Read also

Viral TikTok video ng isang guro, iimbestigahan ng Kagawaran ng Edukasyon

Kasalukuyan na kasing pinaiimbestigahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang naunang kontrobersyal na video na mula sa isang guro ng pampublikong paaralan sa Central Luzon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasalukuyan nang burado ang kontrobersyal na video at siniguro rin ng DepEd Schools Division of Pampanga ang agarang pag-aksyon kaugnay sa kontrobersiya.

"We assure the public that our office exhausts all possible remedies to address this matter,"ayon sa DepEd.

"We have already coordinated with the proper parties/authorities to take down the said video," dagdag pa ng opisyal ng nasabing kagawaran.

Samantala, narito ang kabuuan ng TikTok video ni Berin:

Buhat nang mag-pandemya at maisailalim ang iba't ibang lugar sa bansa sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.

Matatandaang maging ang Department of Health ay nagkaroon na rin ng TikTok videos bilang kampanya sa pagpapaala ng pag-iingat sa COVID-19.

Read also

BB Gandanghari, pinalagan si Ogie Diaz kaugnay sa payo niya sa pamangkin

Nito lamang Hulyo, isang lying-in clinic din sa Rizal ang nagbahagi ng video ng "Labor TikTok dance" ng mga pasyenteng buntis. Pati ang mga midwife na naroon ay nakisayaw.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica