Viral TikTok video ng isang guro, iimbestigahan ng Kagawaran ng Edukasyon

Viral TikTok video ng isang guro, iimbestigahan ng Kagawaran ng Edukasyon

- Iimbestigahan umano ng Kagawaran ng Edukasyon ang isang viral TikTok video ng isang lalaking guro

- Naging kontrobersiyal ang video ng nasabing guro kung saan makikita siyang nagpa-pa-cute na nagsasayaw at may paghawi pa ng buhok

- Base sa naturang TikTok video, ito umano ang reaksiyon niya kapag dumaan ang cute niyang estudyante

- Bunsod dito, tinawag ni Sec. Briones ang pansin ng DepEd Central Luzon upang masiyasat ang video na posibleng mag-insinuate umano ng child abuse

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Usap-usapan ang isang TikTok video ng isang guro na talaga namang umani ng samu't-saring reaksiyon mula sa mga netizens. Sa nasabing video ay makikita ang lalaking guro na tila nagpapa-cute.

Ito umano ang kanyang ginagawa tuwing dadaan ang kanyang cute na estudyante.

Bunsod nito, agad na tinawag ni Sec. Briones ang pansin ng DepEd Central Luzon upang magsiyasat.

Read also

Isa pang TikTok video, muling nag-viral sa kabila ng pagka-alarma ng DepEd

Viral TikTok video ng isang guro, iimbestigahan ng Kagawaran ng Edukasyon
Illustration photo was taken in Krakow, Poland on July 18, 2021. (Photo Ilustration by Jakub Porzycki/NurPhoto)
Source: Getty Images
“The Department of Education, as an institution trusted to protect the rights of every Filipino learner, does not tolerate any forms of abuse towards children,” ani Sec. Briones sa isang pahayag na inilabas nitong November 5.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paalala ng Deped sa mga guro at pati na rin sa non-teaching personnel na laging panatilihin ang pagiging propesyonal sa kanilang pananalita at mga ginagawa maging sa social media.

Sa pahayag naman ng DepEd Schools Division of Pampanga patungkol sa viral Tiktok video, sinigurado nila na may ginagawa na silang hakbang para tanggalin ang video.

“We assure the public that our office exhausts all possible remedies to address this matter. We have already coordinated with the proper parties/authorities to take down the said video.

Nagpaalala din sila tungkol sa professionalism kahit sa paggamit ng social media.

Read also

BB Gandanghari, pinalagan si Ogie Diaz kaugnay sa payo niya sa pamangkin

Naka-private na ang nasabing TikTok account.

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Isa sa nag-viral na video kamakailan ay ang pag-iyak ng isang bride matapos silang lokohin ng kanilang wedding coordinator. Kasunod ng pag-viral ng video niya ay bumuhos ang simpatya at may ilang mga personalidad na tumulong sa kanila.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel