BB Gandanghari, pinalagan ang pahayag ni Ogie Diaz kaugnay sa payo niya sa pamangkin

BB Gandanghari, pinalagan ang pahayag ni Ogie Diaz kaugnay sa payo niya sa pamangkin

- Hindi pinalampas ni BB Gandanghari ang pahayag ni Ogie Diaz matapos niyang magbigay ng payo sa pamangking si Kylie Padilla at asawa nitong si Aljur Abrenica

- Matatandaang sa kainitan ng usapin tungkol sa hiwalayan ng mag-asawa ay nagbigay ng payo si BB sa pamamagitan ng kanyang live video kung saan natanong siya ng netizens sa kanyang maipapayo sa mag-asawa

- Iginiit ni BB na may karapatan siyang magbigay ng payo sa dalawa dahil nagkaroon naman siya ng mga karelasyon

- Nilinaw niya rin na wala naman siyang masamang sinabi tungkol sa nakarelasyon umanong aktor na kanyang naibahagi sa shows na “BB Uncut"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang live video sa Instagram muling binanatan ni BB Gandanghari ang news reporter na si Ogie Diaz dahil sa komento nito sa isang video niya kung saan napag-usapan ang tungkol sa binigay na payo ni BB sa pamangking si Kylie Padilla at kay Aljur Abrenica.

Read also

Andi Eigenmann, inulan ng suporta kasunod ng mga isyung pinupukol sa kanya

BB Gandanghari, pinalagan ang pahayag ni Ogie Diaz kaugnay sa payo niya sa pamangkin
Photo from Instagram account of BB Gandanghari
Source: Instagram

Matatandaang sinabi ni BB na hangga't maari ay panatilihing pribado ang kanilang problema.

“What I can advise to these two, being younger that you are, e, try to keep your dirty linen in the washroom. I'm sure you know what I mean. I think... ayoko... mahirap makialam. Pero yun lang. Try to keep things as much as possible kasi may mga anak kayo, unang-una.

Sinagot niya ang umano'y paninira ni Ogie ng kanyang kredibilidad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Aminin niyo iyan at kung hindi puro paninira lang sa artista ang sinasabi—kung sino man ang buntis, hindi buntis, di ba?”

Iginiit ni BB na may karapatan siyang magbigay ng payo sa dalawa dahil nagkaroon naman siya ng mga karelasyon. Nilinaw din niya rin na wala naman siyang masamang sinabi tungkol sa nakarelasyon umanong aktor na kanyang naibahagi sa shows na “BB Uncut.|

Read also

Aljur Abrenica, naging outlet ang pagkanta sa kanyang pinagdadaanan

Si Binibini Gandanghari ay isang Filipino transgender actress, model, entertainer, comedian, at director. Siya ang nakakatandang kapatid ng aktor na si Robin Padilla.

Matatandaang muling naging usap-usapan si BB matapos maibalitang kinailangan siyang isugod sa ospital dahil sinaktan siya ng kanyang katrabaho.

Inalmahan ni BB ang pagtawag sa kanya ng Rustom at pag "misgender" sa kanya ng sikat na showbiz writer na si Ricky Lo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel