Aljur Abrenica, naging outlet ang pagkanta sa kanyang pinagdadaanan

Aljur Abrenica, naging outlet ang pagkanta sa kanyang pinagdadaanan

- Maging si Jobert Sucaldito ay napansin ang lalong paghusay ni Aljur Abrenica sa pagkanta

- Ayon kay Aljur, isa sa naging outlet niya sa kanyang pinagdadaanan ay ang pagkanta

- Bukod pa dito ay nakasama niya umano nang matagal ang ama niyang magaling din na singer

- Matatandaang muling naging usap-usapan ang mga videos ni Aljur kung saan kinanta niya ang awiting "Still Loving You"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang pag-guest sa programang The Bash ni Jobert Sucaldito, pinaunlakan ni Aljur Abrenica ang hiling sa kanya na kantahin ang ilang awitin kabilang na ang Still Loving You na kamakailan lang ay kinanta niya rin at nag-viral ang video ng kanyang pagkanta.

Aljur Abrenica, naging outlet ang pagkanta sa kanyang pinagdadaanan
Aljur Abrenica (@ajabrenica)
Source: Instagram

Ang nasabing awitin ay kinanta niya rin kay Kylie sa isang video kung saan nasa sasakyan sila. Nasabi niyang ito umano ang kinanta niya noong una silang naghiwalay.

Read also

Aljur Abrenica, ibinahagi ang most memorable moments nila ni Kylie Padilla

Love s lovelier for d second time around. Everybody deserved a second chance. We are not perfect. Embrace imperfection.
Lahat tayO may pinagdadaanan bilang isang pamilya aljur sana balikan mo pmlya mo alang alang sa Amin pati kmi nadadamay na nasasaktan gusto namin mabuo ulit kayO second chance wag mo Naman ulit paranas sa anak mo Ang broken family na naranasan n Kyle pls

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Wag kng sumuko aljur gnyn tlg buhay may asawa mdmi pagsubok tama ng iringan sa social media hindi mkktulong un magtyaga kng manuyo asawa mo at anak ang gsto mo price pr sumaya ulit ang pmilya mo GOD BLESS ALJUR

Si Aljur Abrenica ay isang Pinoy na aktor na unang nakilala matapos siyang sumali sa fourth season ng reality talent search ng GMA-7 na StarStruck. Naipareha siya sa kanyang kasabayan sa Starstruck na si Kris Bernal.

Read also

Aljur abrenica, ibinahaging tuloy ang pag-uusap nila ni Kylie Padilla

Ikinasal siya kay Kylie Padilla at nabiyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, sina Alas Joaquin at Axl.

Matatandaang nag-ugat ang paglabas ng bali-balitang may problema ang mag-asawa matapos mapansin ng mga netizens na halos burado na sa Instagram ni Kylie ang mga litrato ni Aljur. Marami din sa kanyang post ang tila may kaugnayan sa pinagdadaanan nila ni Aljur.

Kasunod nito ay napawi ang pangamba ng kanilang fans matapos ibahagi ni Kylie ang isang litrato kung saan kasama ni Aljur ang mga anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel