Aljur Abrenica, ibinahagi ang most memorable moments nila ni Kylie Padilla

Aljur Abrenica, ibinahagi ang most memorable moments nila ni Kylie Padilla

- Naibahagi ni Aljur Abrenica na napapanood niya ang panayam kay Kylie Padilla ng programang Kapuso Mo, Jessica Sojo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Aniya, habang pinapanood niya si Kylie, pawang mga good memories ang naiisip niya

- Ilan umano sa mga most memorable na memories niya ay nang alagaan niya ang asawa at tutukan ito habang nagbubuntis

- Naibahagi din niyang tuloy-tuloy lang ang kanilang communication ni Kylie sa kabila ng mga intriga

Naikwento ni Aljur Abrenica ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng online show ni Jobert Sucaldito na The Bash. Dito inihayag ni Aljur ang kanyang reaksiyon matapos ang exclusive interview ng kanyang asawa.

Aljur Abrenica, ibinahagi ang most memorable moments nila ni Kylie
Aljur Abrenica (@ajabrenica)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Aljur abrenica, ibinahaging tuloy ang pag-uusap nila ni Kylie Padilla

Naibahagi ni Aljur Abrenica na napapanood niya ang panayam kay Kylie Padilla ng programang Kapuso Mo, Jessica Sojo. Aniya, habang pinapanood niya si Kylie, pawang mga good memories ang naiisip niya. Ilan umano sa mga most memorable na memories niya ay nang alagaan niya ang asawa at tutukan ito habang nagbubuntis

Naibahagi din niyang tuloy-tuloy lang ang kanilang communication ni Kylie sa kabila ng mga intriga.

Ani Aljur, marami siyang good memories ng kanilang pamilya ang hindi niya makalimutan. Sa isang bahagi ng kanyang pagsasalita ay naging emosyonal pa ito.

Marami naman ang nagbahagi ng kanilang suporta sa aktor:

Staying friends and civil would be the best thing you could do for the children. It’s no longer about you two but the children.
Wish I could give you a hug right now
True. Tears are made for healing

Si Aljur Abrenica ay isang Pinoy na aktor na unang nakilala matapos siyang sumali sa fourth season ng reality talent search ng GMA-7 na StarStruck. Naipareha siya sa kanyang kasabayan sa Starstruck na si Kris Bernal.

Read also

Kris Aquino, binuking kay Bimby ang "da moves" ni Mel Senen Sarmiento

Ikinasal siya kay Kylie Padilla at nabiyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, sina Alas Joaquin at Axl.

Matatandaang nag-ugat ang paglabas ng bali-balitang may problema ang mag-asawa matapos mapansin ng mga netizens na halos burado na sa Instagram ni Kylie ang mga litrato ni Aljur. Marami din sa kanyang post ang tila may kaugnayan sa pinagdadaanan nila ni Aljur.

Kasunod nito ay napawi ang pangamba ng kanilang fans matapos ibahagi ni Kylie ang isang litrato kung saan kasama ni Aljur ang mga anak.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel