Raffy Tulfo, kumain sa fast food; pinagbigyan halos lahat ng nais makipag-selfie sa kanya
- Nai-treat ni Raffy Tulfo ang kanyang staff sa isang kilalang fast food kung saan marami ang nakipag-selfie sa kanya
- Matapos niyang ipakita ang bagong opisina ng Raffy Tulfo in Action ay inaya niya ang kanyang mga staff na mag-merienda
- Natuwa ang mga nakakita sa kanya sa personal at halos lahat ay napagbigyan niyang makipag-picture at shoutout mula sa kanya
- Labis naman ipinagpasalamat ni Tulfo ang mainit na pagtanggap sa kanya ng publiko na aniya'y nakakapagpawala ng pagod niya sa araw-araw na pagseserbisyo publiko
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isa sa pinakahuling update ni Raffy Tulfo sa kanyang YouTube channel ay ang bagong opisina ng Raffy Tulfo in Action.
Nalaman ng KAMI na nag-office tour kamakailan si Tulfo upang ipakita ang ilang mga pagbabago sa kanilang ikalawang tahanan.
Naibahagi rin niya na ang ilan sa mga dati niyang staff sa 'Idol in Action' na kanyang iniwang morning show ay nabigyan din niya ng trabaho bilang receptionist ng bago niyang opisina.
Matapos ang office tour ay inaya niyang mag-merienda ang kanyang mga staff sa isang kilalang fast food chain.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bago pa man siya pumasok sa kainan ay unti-unti na siyang dinumog ng mga supporters na humirit na makipag-selfie sa kanya.
Maging ang mga staff at crew ng resto ay hindi nakapagpigil na makakuha ng larawan kasama ang kanilang 'Idol Raffy.'
Habang kumakain ay nagbalik-tanaw si Tulfo sa buhay niya noon bilang isang field reporter na nadadalas din noon sa fast-food kung saanman sila abutan ng gutom.
Sa kanya namang paglabas, muli niyang pinagbigyan ang halos lahat ng nakaabang na makakuha ng larawan at shoutout mula kay Tulfo.
"Ang sarap po sa pakiramdam. 'Yung pagod na nararamdaman ko sa aking trabaho, lahat po 'yun napapawi tuwing ako po'y binabati nila, nakikipag-picture sa akin," pahayag ni Tulfo.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo Vlogs YouTube channel:
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang news anchor sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo' tuwing hapon mula Lunes hanggang Biyernes.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.7 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Noong Oktubre 2, pormal na naghain na ng certificate of candidacy si Raffy Tulfo. Ito ay isang araw matapos niyang mamaalam sa morning show niyang 'Idol in Action.' Ganoon din sa primetime news program niya na Frontline Pilinas na kanyang ibinilin sa ka-tandem na si Cheryl Cosim.
Source: KAMI.com.gh