Doc Adam, tuluyan nang namaalam sa YouTube; in-auction ang kanyang uniform
- Tuluyan na raw iiwan ni Doc Adam Smith ang YouTube channel niya na mayroong 1.98 million subscribers
- Aniya, nais na lamang niyang tutukan ang kanyang medical career at ang lawsuit sa kanya ni Dr. Farrah na isa ring popular na doktor sa social media
- Dahil dito, nais niya at ng kanyang partner na si KC na i-auction ang kanyang famous 'Doc Adam' scrub o uniform
- Maayos na itong naka-frame at may pirma at inihabilin na niya ito sa sinoman ang magmamay-ari na nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagpaalam ang sikat na doktor sa Australia na nagta-Tagalog sa kanyang mga video na si Doc Adam.
Nalaman ng KAMI na noong Oktubre 29, ipinahayag na ni Doc Adam Smith at ng partner niyang si KC ang desisyon na tuluyan nang iwan ang YouTube.
Sa kanyang Facebook post ngayong Nobyembre 1, ipinaliwanag ni Doc Adam na nais na lamang niyang mag-focus sa kanyang medical career.
Nabanggit din niyang patuloy niyang hinaharap ang kasong isinampa sa kanya ni Dr. Farrah Agustin-Bunch dahil umano sa mga akusasyon niya rito noon patungkol sa misinformation sa publiko na siyang pilit na nilalabanan daw ni Doc Adam.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Malaki-laki na rin ang nagagastos ni Doc Adam sa kaso kaya naman isa rin sa naisipan nilang gawin ng partner na si KC ay i-auction ang popular Doc Adam scrub o uniform na madalas niyang gamit sa kanyang mga video.
"Kc is auctioning my shirt to raise money for my legal costs (over 200,000 dollars so far). This is hard for me to do I have so many good memories in this shirt but I know who every gets it will take care of it for me and give it a good home"
"All money raised in this auction will go to wards supporting the legal costs. I'll set the price at 0 pesos let's see how high we can go"
Mapapansin na sa ibang mga mensahe ng supporters ni Doc Adam, nagpapaabot din sila ng tulong sa doktor sa abot ng kanilang makakaya.
Si Doctor Adam Smith o mas kilala sa YouTube bilang si Doc Adam ay isang doktor sa Australia. Gumagawa siya ng mga videos upang maitama ang mga muano'y maling impormasyon sa internet na maaring maging mapanganib sa kalusugan ng tao.
Matatandaang pinaliwanag ni Doc Adam ang posibleng dahilan ng biglaang pagpanaw ng YouTuber na si Lloyd Cadena noong September, 2020.
Bukod sa naging sigalot nila umano ni Dr. Farrah, gumawa rin ng ingay kamakailan si Doc Adam sa social media nang kwestyunin niya ang pagtulong ng vlogger na si Basel Manadil sa isang lolo na ilang araw nang hindi kumakain.
Source: KAMI.com.gh