Daddy Bonoy, pinasilip ang mga eksena sa kanyang pag-prank kay Mommy Pinty

Daddy Bonoy, pinasilip ang mga eksena sa kanyang pag-prank kay Mommy Pinty

- Sa kanilang bagong video ay hindi na kasama nina Daddy Bonoy at Mommy Pinty ang anak nilang si Alex Gonzaga

- Marami din ang nakapansin na tila mas komportable na si Daddy Bonoy sa kanyang pagvlog kung ikukumpara sa mga naunang videos nila

- Kinaaliwan ang mga hirit ni Daddy Bonoy upang ma-prank si Mommy Pinty

- Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 1.2 million subscribers ang kanilang YouTube channel na BoPin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patok na patok pa rin sa netizens ang pagiging palabiro ng ama nina Alex at Toni Gonzaga na si Daddy Bonoy. Marami ang nakapansin na mas komportable na si Daddy Bonoy sa kanyang pagvlog sa pinakabagong video nila kung saan hindi na nila kasama ang anak na si Alex na siyang nag-udyok sa kanilang mag-asawa na mag-vlog na rin.

Read also

Andi Eigenmann, inulan ng suporta kasunod ng mga isyung pinupukol sa kanya

Daddy Bonoy, pinasilip ang mga eksena sa kanyang pag-prank kay Mommy Pinty
Daddy Bonoy, Mommy Pinty, Alex Gonzaga at Mikee Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Kinaaliwan ang mga hirit ni Daddy Bonoy upang ma-prank si Mommy Pinty. Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 1.2 million subscribers ang kanilang YouTube channel na BoPin.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng kanilang viewers:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Iba tlaga humor ni Daddy Bonoy best tandem nila ni Mommy Pinty, at si Uncle Jojo siya yung icing on the cake. Really enjoying your vlogs, especially naalala ko my dad pag pinapanood ko si daddy Bonoy. I'm your avid fan from Milan Italy . God bless your YT channel.
BoPin is literally adorable!! You can see the love in them. I hope and wish that someday, I would experience love like that. And not just me, but to everyone. Because everyone deserves to be loved. Cheers!
Ang witty ni Daddy Bonoy, may pinagmanahan si Alex talaga sa kulet. HAHAHAHAHA good vibes na naman. Thank you po

Read also

Xian Lim, binuking na madalas daw magsabi ng I love you si Kim Chiu

Sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty ay lalong nakilala nang magkaroon ng sariling YouTube channel ang anak nilang si Alex Gonzaga na siyang nagtulak at nagkumbinsi sa kanila na pasukin na rin ang vlogging. Kahit baguhan pa lamang sila ay umabot na sa mahigit isang milyon ang kanilang mga subscribers at milyon-milyon din ang views ng mga videos nila na ibinahagi.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 11 million na subscribers sa kasalukuyan.

Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono.

Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbigay ni Alex ng isang motorsiklo sa isang 12-anyos na bata na isang Valedictorian.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel