Isang doktor, ipinaliwanag ang posibleng dahilan ng biglaang pagkamatay ni Lloyd Cadena

Isang doktor, ipinaliwanag ang posibleng dahilan ng biglaang pagkamatay ni Lloyd Cadena

- Isang vlogger na doktor ang sinubukang ipaliwanag ang posibleng dahilan ng pagkamatay ng YouTube Star na si Lloyd Cadena

- Bagaman at wala pang opisyal na pahayag ang pamilya ng vlogger sa mismong dahilan ng pagkamatay nito, kumakalat ang posibilidad na cardiac arrest ito

- Nilinaw ng doctor na ginawa niya ang video upang maiwasan ang maling impormasyon na kumakalat ukol sa sikat na vlogger

- Pinaalala rin ng doktor na irespeto pa rin ang pamilya ni 'Kween LC" na hiniling na maging pribado muna sa ngayon maging ang rason ng biglaan nitong pagkamatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang doktor, ipaliwanag ang posibleng dahilan ng biglaang pagkamatay ni Lloyd Cadena

Lloyd Cadena (Photo from Lloyd Cafe Cadena Facebook)
Source: Facebook

Sinubukang ipaliwanag ng vlogger doctor na si Doc Adam ang mga posibleng dahilang ng pagkamatay ng YouTube star na si Lloyd Cadena o kilala bilang "Kween LC".

Nalaman ng KAMI na maugong ang balitang 'cardiac arrest' ang ikinamatay ng 26-anyos na vlogger.

Sa video ni Doc Adam na kanya umanong ginawa nitong Setyembre 5, bandang alas kwatro ng hapon, wala pang opisyal na pahayag ang pamilya ni Kween LC tungkol sa dahilan ng pagkamatay nito.

Base sa mga nakarating na impormasyon kay Doc Adam, isa raw na tinitingnang anggulo ay ang pag-inom nito ng isang uri ng slimming coffee.

Dito ipinaliwanag ng doktor ang di magandang naidudulot ng labis na pag-inom ng kape sa katawan na maaring makaapekto sa ating puso.

Nabanggit din ng doktor ang pagkakaiba ng "heart attack" at "cardiac arrest" na maugong na dahilan ng biglaang pagpanaw ng sikat na vlogger.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, ipinaalala niya na nararapat na marunong ang bawat isa sa atin ng CPR o cardiopulmonary resuscitation upang maisalba pa ang pasyenteng nakaranas ng 'cardiac arrest.'

Isinantabi naman ng soktor ang bali-balitang maaring COVID-19 ang ikinamatay ni Lloyd gayung base sa pag-aaral ng mga eksperto, mga senior at may malubhang karamdaman ang madalas na namamatay dahil sa COVID-19.

Gayunpaman, nilinaw ni Doc Adam na ang kanyang mga nabanggit ay ang mga posibleng dahilan ng pagpanaw ng komedyante at matulunging vlogger.

Ipinaalala rin ng doktor na irespeto ang hinihinging pribadong oras ng pamilya ni Kween LC ngayong nagdadalamhati pa sila sa pagpanaw nito.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang nagulat sa biglaang pagpanaw ng isa sa mga batikang vlogger sa bansa na si Lloyd Cadena.

Kamakailan ay nagdiwang siya ng ika-10 anibersaryo bilang isang YouTube vlogger. Umabot na kasi sa 8 million ang pinagsama-samang bilang ng mga subscribers niya sa iba't ibang social media platforms.

Sadyang marami ang naluha at nalungkot sa pagpanaw ni Kween LC at isa na rito ang kanyang matalik na kaibigan na si Michelle Dy.

Maging ang international singer na si Mariah Carey ay nagpahayag ng pakikiramay sa naiwang pamilya ni Lloyd na isa pala sa kanyang mga fans dito sa Pilipinas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel