Tricycle driver, niregaluhan ng kanyang mga anak ng bahay, lupa at kotse

Tricycle driver, niregaluhan ng kanyang mga anak ng bahay, lupa at kotse

- Masuwerte ang tricycle driver na si Jerry Calata at misis nito dahil sa mga anak nilang binigyan sila ng bahay at lupa

- Bukod pa rito, niregaluhan din si Jerry ng kanyang mga anak ng kotse noong nagdiwang siya ng kaarawan noong 2020

- Ayon sa isa nilang anak na si James, napag-usapan na nilang apat na magkakapatid na tulungan muna ang mga magulang bago sila magsipag-asawa

- Malaki ang pasasalamat ni Jerry sa mga anak na naparanas sa kanilang mag-asawa ang ginahawang tinatamasa ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masasabing mapalad ang 51-anyos na tricycle driver na si Jerry Calata at kanyang misis dahil sa bahay at lupang pinagtulungang ibigay sa kanila ng kanilang mga anak.

Nalaman ng KAMI na naitaguyod ni Jerry ang apat na anak sa pagta-tricycle habang ang kanyang misis naman ay isang mananahi.

Read also

Viral na kwelang music teacher, muntik nang ma-kidnap: "Nagpanggap po siya na madre"

Tricycle driver, niregaluhan ng kanyang mga anak ng bahay, lupa at kotse
Ang tahanan ng Calata family (Photo from James Calata)
Source: Facebook

Kwento ng anak nilang si James, alam nila ang hirap ang sakripisyo sa kanila ng kanilang mga magulang. Sinisiguro raw ng mga ito na nakakakain sila ng tatlong beses sa isang araw kahit salat sila sa mga laruan noong bata pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pagtuntong nila ng high school, tatlo sa apat na magkakapatid ang magkakasabay. Nagtiis umano ang pamilya ni Jerry para lamang maituloy ang edukasyon ng mga ito.

Noong kolehiyo naman sila kung saan nagkasabay-sabay din halos, doble pagsisikap ang ginawa ng mag-asawa habang nag-working student na rin ang mga anak.

Nang makapagtapos, napag-usapan nina James na tulungan muna ang mga magulang bago sila magsipag-asawa.

Isa na rito ang desisyon nilang pagtulungan ang pagbili ng lupa at pagpapatayo ng bahay para sa kanilang mga magulang.

Read also

Andi Eigenmann, pinakita ang kanyang nabili sa ukay-ukay

Bukod sa bahay at lupa na kanila na ngayong tinitirahan, naregaluhan din nila ng bagong sasakyan ang kanilang ama nang magdiwang ito ng kanyang kaarawan noong 2020.

Sa kabila ng mga biyayang ito, matiyagang namamasada pa rin si Jerry dahil bukod sa kinasanayan na niya ito, malaking tulong pa rin daw ang kanyang kita sa kanilang pamilya.

Labis-labis din ang pasasalamat nila sa kanilang mga anak na naiparanas sa kanila ang maginhawang buhay dahil sa pagtutulungan ng mga ito.

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento na naibahagi sa Stories of Hope ng GMA News and Public Affairs:

Kamakailan, nag-viral din ang kwento ng isang anak na niregaluhan ng isang milyong piso ang kanyang ina sa kaarawan nito.

Gayundin ang isang 17-anyos na anak na nagsikap sa pagbibenta online at pagtitinda ng mga merienda na ngayo'y nakapagpatayo na rin agad ng bahay para sa kanila ng kanyang na-stroke na ama na kasa-kasama niya sa buhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica