Tulfo, saludo sa tindera ng gulay na inihingi ng tulong ang buto't balat na kaibigan

Tulfo, saludo sa tindera ng gulay na inihingi ng tulong ang buto't balat na kaibigan

- Hinangaan ni Raffy Tulfo ang isang concerned citizen na inihingi ng tulong ang kanilang kaibigan na halos buto't balat na

- Iba't iba raw ang karamdaman nito at nabahala ang tindera ng gulay sa kaibigan lalo na at tila lumalala ang sitwasyon nito

- Agad na nagpadala ng tulong pinansyal ang 'Raffy Tulfo in Action' at ipagagamot din nila ito

- Boluntaryo ring binigyan ni Tulfo ng biyaya ang tindera dahil sa pagtulong nito sa kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sumaludo si Raffy Tulfo sa tindera ng gulay na si Marites Sagun na inihingi ng tulong ang kaibigang si Julious Norte.

Nalaman ng KAMI na halos buto't balat na ang dating construction worker na ayon kay Marites ay lumala na ang sitawasyon buhat ng huli niya itong nakita.

Tulfo, saludo sa tindera ng gulay na inihingi ng tulong ang buto't balat na kaibigan
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Humanga si Tulfo kay Marites na sa kabila ng mga pansariling pangangailangan ay mas isinaalang-alang pa kalagayan ni Julious na hirap na at hindi makapagpagamot.

Read also

Raffy Tulfo, kumain sa fast food; pinagbigyan halos lahat ng nais makipag-selfie sa kanya

Agad namang pinadalhan ni Tulfo ng tulong pinansyal si Julious na umabot na halagang Php57,000. Ito ay mula sa napagbentahan nila sa Idol Shopping Network at sa tulong na ipinaabot din ng kanyang anak na si Ralph Tulfo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi man humiling ng kung anoman, maipagamot lamang si Julious, boluntaryo namang nagbigay ng Php10,000 si Tulfo kay Marites dahil sa pagmamalasakit nito sa kaibigan.

Agad ding pinapuntahan ni Tulfo sa kanyang staff si Julious upang makita ang kalagayan nito at malaman kung anong klaseng gamutan ang ipagagawa nila para sa patuloy na paggaling nito.

Mapapanood ang kabuuan ng video sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga kilala at batikang news anchor sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

Elisse Joson, ibinahagi ang kanyang 'ADIML' video kasama ang kanyang baby Felize

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.7 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Nito lamang Oktubre 2, pormal na naghain na ng certificate of candidacy si Raffy Tulfo. Ito ay isang araw matapos niyang mamaalam sa morning show niyang 'Idol in Action.' Ganoon din sa primetime news program niya na Frontline Pilipinas na kanyang ibinilin sa ka-tandem na si Cheryl Cosim.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica