Php13,000 na bike, nabili ng ama gamit ang mga naipong barya
- Hinangaan ng marami ang isang ama na bumili ng bisikleta na nagkakahalaga ng Php13,000
- Ang nakamamangha pa sa kanyang ginawa, inipong barya ang kanyang ibinayad
- Maging ang bike shop na binilhan ng ama ay na-inspire sa ginawa nito, makabili lamang ng bisikletang nais din ng kanyang anak
- Regalo ng ama ang bike sa kanyang anak na nagdiwang ng kaarawan noong Oktubre 18
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Umani ng papuri ang 41-anyos na ama na si Manny Herrera ng Bacoor, Cavite dahil sa pagbili nito ng bike gamit ang inipong Php10 mga barya.
Nalaman ng KAMI na mismong ang bike shop na Bisikleta Manila ang humanga at nagbahagi ng kwento ni Manny sa social media.
"The whole team is so proud of you sir Manny Herrera of Bacoor, Cavite for your hard work and determination in getting the bike of your dreams. May you and your son enjoy your new bike. Happy to see you today. We got so inspired!" ang caption ng post ng Bisikleta Manila kalakip ang mga larawan ni Manny at ng dala nitong barya na umabot sa Php13,000.
Sa panayam ng PEP kay Manny, kaarawan ng anak niya noong Oktubre 18 at hiling daw nito na magkaroon ng sariling bisikleta.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Mula Cavite ay lumuwas ng Maynila si Manny at kasama nito para maghanap ng bike na nais ng anak. Php32,000 ang presyo ng napupusuang bike ng kanyang anak. Subalit nagalugad na nila ang lahat ng bike shop sa Quiapo ngunit wala nito.
Kaya naman ang Php13,000 na bike ang nabili nila sa Bisikleta Manila na siyang sinakyan na rin niya pauwi ng Cavite.
Kamakailan, umantig din sa puso ng mga netizens ang naibahaging kwento ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer patungkol sa isang ama na bumili ng mga produkto mula sa kanyang Korean Store.
Namangha kasi si Basel sa ama na bagaman at hindi sigurado sa kanyang mga bibilhin, sinikap pa rin nitong makapag-uwi ng mga Korean products para sa anak na isang KPop fan.
Kaya naaman tumulong na rin si Basel sa pagbabalot ng munting regalo ng ama para lang mapaligaya ang kanyang anak.
Source: KAMI.com.gh