Vlogger na si Basel Manadil, napasaya ang mga nakakasalubong lang niya sa kalsada

Vlogger na si Basel Manadil, napasaya ang mga nakakasalubong lang niya sa kalsada

- Nakapagbahagi na naman ng biyaya ang vlogger na si Basel Manadil maging sa taong nakakasalubong lang niya sa kalsada

- Isa na rito ang 86-anyos na nangangalakal na aminadong hirap na sa paghahanapbuhay dala ng kahinaan

- Ang isa naman ay ang tindero ng saging na ang misis ay kabuwanan na sa ikaapat nilang anak

- Maging ang buko vendor na nakasalubong niya ay inabutan niya ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muli na namang namahagi ng biyaya ang YouTube content creator na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.

Nalaman ng KAMI na sa pinakabago niyang video na inilabas ngayong Oktubre 22, ibinahagi niya ang pagtulong sa mga taong nakakasalubong lamang niya sa kalsada.

Una na rito ang tindero ng saging na isa rin palang padre de pamilya.

Read also

Karen Bordador, emosyonal na binalikan ang buhay kulungan; "May bukas pa ba?"

Vlogger na si Basel Manadil, napasaya ang mga nakakasalubong lang niya sa kalsada
Vlogger na si Basel Manadil (The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

Naikwento nitong kabuwanan na ng misis niya sa ikaapat nilang anak kaya naman doble kayod ang tindero. Nang malaman ito ni Basel mas lalo siyang naengganyong tulungan ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman talagang naluha ang tindero at talagang napayapos kay Basel dahil sa hindi inaasahang tulong na natanggap niya mula rito.

Sunod na nakasalubong ni Basel ang isang 86-anyos na nangangalakal. Ito raw umano ang ikinabubuhay nito subalit dala ng kanyang edad at pangangatawan, hindi siya palagiang nakakapangalakal.

Kaya naman inabutan siya ni Basel ng tulong pinansyal na labis ding ipinagpasalamat ng lolo. Narito ang kabuuan ng video mula sa The Hungry Syrian Wanderer.

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Read also

Lovely Abella, binalikan ang karanasan nila ni Benj Manalo noong walang-wala pa sila

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO Retro Diner.

Kamakailan, nabiyayaan ni Basel ng motorsiklo ang isang delivery rider na napansin niyang bike lamang ang gamit sa pagtatrabaho.

Gayundin ang kanya mismong kasambahay na nagulat nang makitang iPhone 12 pala ang handog sa kanya ni Basel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica