Composer, hinahanap ang nag-viral na bata sa jeep na kumakanta ng kanyang awitin
- Hinahanap ng composer at leader ng grupong MP Harmony ang batang lalaki na nag-viral kamakailan
- Napanood din nila kasi ang batang nira-rap ang kanilang awiting nabuo noon pang 2014
- Dahil umano sa bata, nabuhayan sila ng loob na bumuo ulit ng mga kanta
- Pinasalamatan nila ang bata at nais din sana nila itong makasama sa plano nilang pagbuo ng bagong proyekto
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isang batang lalaki ang nag-viral kamakailan dahil sa husay ng kanyang pagra-rap kapalit ng barya sa pagpanhik niya sa mga jeep.
Nalaman ng KAMI na isang pasahero umano ang namangha sa bata kaya naman naisipan niyang i-video ito.
Sa panayam ng GMA News kay Jomar Dungo, ang nag-record ng video at nag-upload nito, namangha siya hindi lamang sa husay ng bata sa pag-rap kundi sa lyrics ng kinakanta nito na tila repleksyon ng buhay nito sa murang edad.
Disyembre pa ng taong 2020 nang makunan ni Jomar ang batang lalaki na hanggang ngayon ay viral dahil sa muli niya itong nai-post.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa ngayon, mayroon na umanong 2.2 million views ang naturang video.
"Bawat bitiw ng kanta niya is parang nakakadala," kwento ni Jomar.
Ang awitin ng bata, orihinal na komposisyon pala ni Symon Ortiz Bambao ng grupong MP Harmony.
Ayon sa kompositor, taong 2014 pa ang naturang awitin ng bata na ngayon lamang nakikilala at sumisikat dahil sa viral video.
Dahil dito, pinaghahanap nila ang batang lalaki na nais sana nilang makasama sa susunod nilang proyekto.
Pinasalamatan din nila ito gayung nabuhayan mula sila ng dugo na gumawa muli ng musika dahil sa batang kinakanta ito sa bawat pag-akyat nito sa jeep.
"Lubos kaming nagpapasalamat sa'yo. Kung hindi rin dahil sa'yo, hindi makikilala ng ganun katindi yung kanta," ani Symon.
Nakalulungkot isipin na maging ang mga kabataan ay apektado rin ng pagsubok dulot ng pandemya.
Ang ilan sa kanila, tulad marahil ng viral na batang lalaki na sumasampa sa mga jeep para kumanta kapalit ang barya, nagsisikap na dumiskarte para sa sarili nila may mailaman lamang sa kanilang kumakalam na sikmura.
Karamihan kasi ay nawalan ng hanapbuhay, kaya naman ang mga ilang kabataan, tumutulong na rin sa pagtataguyod sa kanilang pamilya.
Ipinaaalala ng KAMI na maging maingat sa pagbibitiw ng komento o opinyon sa anumang isyu. Pakatandaan na sa bawat pagbibigay ng pahayag may kaakibat itong responsibilidad at pananagutan.
Source: KAMI.com.gh