Fil-Am frontliners, tampok sa isang outdoor photo exhibit sa New York

Fil-Am frontliners, tampok sa isang outdoor photo exhibit sa New York

- Tampok sa outdoor photo exhibit sa New York City ang mga kababayan nating frontliners

- Ito ay bilang pagkilala at pagpupugay sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon at serbisyo sa panahon ng pananalasa ng COVID-19

- Proud ang mga kababayan nating Pilipino nakapunta sa mismong exhibit dahil napapanahon talaga ito upang pasalamatan ang Pinoy healthcare workers na nasa Amerika

- Marami-rami rin ang bilang ng mga Pinoy frontliners sa Amerika na tinamaan ng COVID-19 at nagbuwis ng kanilang buhay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tampok ang makabagong mga bayani na Fil-Am frontliners sa Photoville exhibit sa New York City.

Nalaman ng KAMI na isang outdoor photo exhibit kung saan makikita ang iba't ibang mga larawan ng mga kababayan nating healthcare worker sa Amerika na buwis-buhay na humarap sa COVID-19.

Fil-Am frontliners, tampok sa isang outdoor photo exhibit sa New York
Fil-Am frontliners, tampok sa isang outdoor photo exhibit sa New York
Source: Instagram

Ayon sa mga kababayan nating Pinoy na nakabisita sa naturang exhibit, isa itong pagkilala at pag-alala sa mga nagawa ng Fil-Am medical frontliners na buwis-buhay na nakipagsapalaran sa mga COVID-19 patients.

Read also

Mga kaibigan ni Ethel Booba, asar-talo sa kanyang revenge prank

Marami-rami rin umano ang bilang mga Pinoy frontliner doon na nagpositibo sa COVID-19 at ang kamalasan pa, nauuwi sa hindi inaasahang pagkamatay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Healthcare providers especially the nurses who have been working so hard during the pandemic are finally honored, remembered and recognized because their stories are remarkable," pahayag ni Dr. Marie Ortaliz, miyembro ng Friends of the Philippines Society USA, Inc.

Isa naman sa mga Pinay nurse na nagpunta sa exhibit ay mismong COVID-19 survivor. Ito ang naging hudyat na rin niya upang magretiro sa serbisyo ngunit bago niya tuluyang iwan ang propesyon, naglingkod pa rin siya bilang isang vaccinator.

"I got sick of COVID, I almost died of COVID, and then working as a vaccinator was actually exhilarating because I was able to share my story and really value life," pagbabahagi ni Tita Aguilar na isang retired nurse.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Ang naturang exhibit ay bahagi ng ika-10 anibersaryo ng Photoville. Makikita ang mga larawan ng ating mga kababayan sa photo exhibit na ito hanggang sa December 1.

Narito ang ilan sa mga kaganapan sa naturang photo exhibition na ibinahagi ng ABS-CBN News:

Sa ngayon, hindi pa rin mapigilan ang pagkakaroon ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa sa kabila ng dami ng taong mga nababakunahan na.

Dahil dito, buwis-buhay pa rin ang mga medical frontliners na patuloy ang pagseserbisyo sa mga pagamutan araw-araw.

Matatandaang nito lamang Abril, isang nurse mula Lucena City ang nagpasilip din ng natanggap na halaga ng special risk allowance.

Hiling ng iba sa kanila na mabigyan sila ng tama at sapat na halaga ng allowance lalo na bilang sila ang frontliners sa laban nating kontra COVID-19.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica