COVID patient na mas inisip pa ang pamilyang wala nang makain, umantig sa puso ng netizens
- Viral ngayon ang post ng isang medical technologist volunteer sa Philippine General Hospital tungkol sa isang COVID-19 patient
- Ipinaabot kasi sa kanya ang liham na pinaabot ng misis sa mister na nasa ospital dahil sa COVID
- Lalong nadurog ang puso ng medtech volunteer nang makita ang reaksyon ng mister nang mabasa ang laman ng liham ng kanyang misis
- Sa ngayon, marami ang nais na tumulong sa pasyente gayundin sa pamilya nito
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Umantig sa puso ng maraming netizens ang post ng medical technologist volunteer sa Philippine General Hospital na si Ara Dela Cruz.
Nalaman ng KAMI na ito ay tungkol umano sa isang liham ng misis na ipinaabot sa kanya para sa mister na isang COVID-19 patient.
Kwento ni Ara, na labis na nadurog ang kanyang puso nang makita ang reaksyon ng mister matapos mabasa ang liham.
"'Di pa nagpunta si Jella dito. Wala na akong pambili ng kailangan mo. Wala na rin akong pambili ng pagkain dito," ang nakasulat sa liham.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hindi naiwasang maging emosyonal ng pasyente kaya naman hindi ito maiwan na lamang ni Ara at tinanong kung ano ang kailangan ng pasyente.
“Kahit wag na po yung kailangan ko. Sya nalang po wala pong pera yon buong araw na po hindi kumakain yon," ang sagot sa kanya ng pasyente na lalong umatig kay Ara.
"You are so blessed. Unlike you, other people are barely making it. So please give more kindness and love. And don’t forget to be grateful. Every day,” dagdag pa ni Ara sa kanya na ngayong viral post na nagbigay aral sa marami at naging daan din para matulungan ang pamilya at ang pasyente.
Sa ngayon, marami-rami na ring natatanggap si Ara na mga mensahe na nais magpaabot ng anumang uri ng tulong para sa pasyente at pamilya nitong hindi masuportahan dahil sa karamdaman.
Makalipas ang mahigit isang taon, patuloy pa ring nanalasa ang COVID-19 sa buong mundo.
Sa Pilipinas, bagaman at marami na ang nababakunahan kontra COVID-19 ay mataas pa rin umano ang bilang ng mga nagpopositibo araw-araw base sa datos na inilalabas ng Department of Health.
Dahil dito, ipinatutupad ang mga granular lockdown sa ilang mga kalye at barangay sa NCR kahit general community quarantine na ang lugar. Marami rin ang hindi pa rin makabalik sa paghahanapbuhay lalo na ang mga tinamaan ng virus.
Mahigpit pa ring ipinatutupad ang mga safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing at madalas na disinfection.
Source: KAMI.com.gh