Bagong panganak, namura si Kuya Will at 'di akalaing nanalo ng ipambabayad niya sa clinic

Bagong panganak, namura si Kuya Will at 'di akalaing nanalo ng ipambabayad niya sa clinic

- Kinagiliwan kamakailan ang video ng nanalo sa 'Wowowin', Shopee segment dahil namura pa nito si Willie Revillame

- Bagong panganak na ina pala ang natawagan ni Willie at kasalukuyan pa itong nasa Lying-in clinic nang kanya itong matawagan

- Hindi makapaniwala ang bagong panganak at inakalang nanloloko lamang si Willie

- Ngunit nang makumpirma niyang si "Kuya Will" nga ang kanyang kausap, tuwang-tuwa na ito lalo na at magkakaroon na siya ng pambayad sa clinic

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila swerte ang baby ng bagong panganak na si "Mary Rose" dahil habang nasa lying-in clinic pa lamang silang mag-ina, nanalo sila sa Wowowin.

Kinagiliwan ng marami ang episode ng "Tutok to Win" ni Willie Revillame kung saan isa na namang masuwerteng nanalo ang hindi naniwalang kausap na nga talaga niya ang kanyang "Kuya Will."

Read also

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

Bagong panganak, namura si Kuya Will at 'di akalaing nanalo ng ipambabayad niya sa clinic
Photo from Willie Revillame
Source: Facebook

Inakala ni Mary Rose na scammer lang si Willie at ipinaalam niyang nasa lying-in clinic pa siya kaya huwag na siyang lokohin.

Patuloy pa rin itong kinukumbinsi ni Willie at nang tila nakulitan na ang bagong panganak, namura pa siya nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento pa ni Mary Rose, hinihintay pa umano niyang makabalik ang mister gayung wala pa raw silang pambayad sa clinic.

Nang malaman ito ni Willie, mas lalo niyang 'kinulit' ni Mary Rose at patuloy ang pagkumbinsi na siya ang Wowowin host.

Kinantahan pa niya ito ng "Ikaw na Nga", at nang malamang totoo nga siyang nanalo nagsisisigaw na sa tuwa ang bagong panganak.

Dinagdagan din ni Willie ang dapat na premyo lamang ni Mary Rose mula sa Shopee. Narito ang kabuuan ng makulit na video mula sa YouTube channel na 'Wowowin.'

Read also

Rico Blanco, nag-reply sa fan na pinuna ang kanyang pananamit

Si Willie Revillame ay isa sa mga kilalang showbiz personalities sa bansa. Itinuturing din siyang isa sa mga pinakamayamang artista sa Pilipinas.

Kilala rin siya sa pagtulong siya sa mga kababayan nating nangangailangan at kamakailan nga, boluntaryo siyang magpapahatid ng tulong sa napanood niyang jail doctor sa dokumentaryong "I-witness."

Kamakailan, nagpaliwanag si Willie kung bakit hindi siya naghain ng certificate of candidacy gayung marami ang umaasang isa siya sa mga kakandidatong senador sa darating na Eleksyon 2022. Namigay pa siya ng bonus sa kanyang Wowowin family sa pag-aakala kasi ng mga ito na iiwan na sila ni Willie dahil sa pagtakbo bilang senador na hindi naman nangyari.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel