Willie Revillame, binigyan ng bonus ang kanyang mga staff sa Wowowin
- Masayang ibinahjagi ni Willie Revillame na may bonus ang lahat ng kanyang staff
- Ito ay matapos ang ilang araw na pangamba at pagkabahala nila na mawawalan sila ng trabaho
- Sa katunayan ay nag-iyakan pa umano ang mga ito dahil iniisip nilang mawawalan sila ng hanap-buhay sakaling magdesisyong tumakbo si Kuya Wil
- Bakas naman sa mga mukha ng kanyang mga staff ang kagalakan at kanilang pasasalamat sa TV host
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Upang mapasaya ang kanyang staff ay sinabi ni Willie Revillame na lahat sila ay mabibigyan ng bonus. Ilang araw din daw kasing nangamba ang mga ito na maari silang mawalang ng trabaho sakaling mapgpasyahan ni Kuya Wil na tumabo bilang senador sa Halalan 2022.
Naibahagi din ng TV host na nag-iyakan pa umano ang mga ito bago ang kanyang announcement na aniya ay wala man lang script. Sinabi lamang umano niya kung ano ang nasa kanyang puso.
“Alam niyo bakit? Bago ako nagsalita kahapon, ilang araw silang nangangamba. Akala nila, magpapaalam na akong tunay, so lahat ho sila medyo malungkot. Noong panghuli na, nag-iiyakan na ho ‘yan. Ano raw ang magiging trabaho nila? Kung saan raw sila pupulutin.
“Hindi, dito pa rin kami. Dito pa rin ang programang ito. Hindi mawawala ito hanggang may nalulumbay at nalulungkot.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kilala si Willie Revillame bilang isa sa pinakamayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime , at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.
Dahil sa tema ng kanyang mga TV show, naging takbuhan siya ng maraming nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa pinansiyal. Kamakailan, ibinenta niya ang mamahalin niyang sasakyan upang makalikom ng perang ibabahagi niya sa mga taong apektado ng pananalanta ng bagyo.
Nagbigay din siya ng tulong sa Mayor na Marikina at personal niya itong iniabot. Nagpapasalamat umano siya na sa kabila ng mga dumaang kalamidad ay ligtas siya.
PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."
Source: KAMI.com.gh