Ana Patricia Non ng Maginhawa Community Pantry, pinarangalan sa Quezon City

Ana Patricia Non ng Maginhawa Community Pantry, pinarangalan sa Quezon City

- Pinarangalan si Ana Patricia Non ng Maginhawa community pantry sa 19th Manuel L. Quezon Gawad Parangal 2021

- Ibinahagi niya sa kanyang Facebook ang ilang kaganapan sa naganap na Gawad Parangal

- Kinilala siya bilang isa sa mga “Ordinary People, Doing Extraordinary Things During Extraordinary Times”

- Matatandaang nito lamang Abril, si Non ang nagkaroon ng inisyatibo upang simulan ang Maginhawa community pantry na nagbibigay tulong sa mga kababayan nating dumaranas ng gutom dahil sa pandemya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa si Ana Patricia "Patreng" Non sa mga naging bahagi ng 19th Manuel L. Quezon Gawad Parangal 2021 na ginanap sa Quezon City.

Nalaman ng KAMI na kinilala ng naturang lungsod si Non bilang isa sa mga “Ordinary People, Doing Extraordinary Things During Extraordinary Times.”

Ana Patricia Non ng Maginhawa community pantry, pinarangalan sa Quezon City
Ana Patricia Non ng Maginhawa community pantry (Photo from Anjo Lapresca)
Source: Facebook

Ito ay dahil sa pagpapasimula nito ng Maginhawa community pantry noong Abril ng 2021.

Read also

PBB housemate Brenda Mage, nakipagsabayan ng 'Granada walk' kay Samantha Bernardo

Ang community pantry na ito ang nakapagpakain sa marami nating mga kababayan lalong-lalo na ang mga nawalan ng trabaho ngayong pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Non ang ilang sa mga kaganapan sa nasabing Gawad Parangal.

Marami ang bumati at nagbigay pugay kay "Patreng" at deserve daw talaga nito ang nasabing pagkilala.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Patreng! Deserve na deserve mo ang parangal na iyan! Ingat ka lagi.God bless you more and may you continue blessing others too"
"Nararapat lamang sayo na mapangaralan at makilala, congrats Patreng!"
"Saludo po kami sa inyo dahil marami po talaga kayong natutulungan"
"Slow clap para sa'yo Patreng, isa kang huwaran sa marami. Congratulations"
"Maraming kumakalam na mga sikmura ang nalamnan dahil sa pagsisimula ng community pantry mo Ms. Non! Mabuhay ka at pagpapalain ka pa sana dahil sa mabuti mong kalooban"

Read also

Madam Inutz, TJ at Brenda Mage, napasabak sa unang task sa loob ng PBB house

Si Ana Patricia Non ang nasa likod ng matagumpay na community pantry na kanyang sinimulan sa maliit na pwesto sa Maginhawa St. Sa Quezon City.

Tila nagkaroon na nga ng "domino effect" kung saan marami na rin sa iba't ibang bahagi ng bansa ang gumagawa ng pagtutulungang ito.

Katunayan, maging ang "Timor-Leste" ay na-inspire sa gawaing ito na pinasimulan ni Non kaya naman mayroon na rin silang itinatayong mga community pantry sa kanilang bansa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica