Ry Velasco, trending dahil sa video ng pagbigay niya ng kotse sa amang si Onyok Velasco

Ry Velasco, trending dahil sa video ng pagbigay niya ng kotse sa amang si Onyok Velasco

- Trending si Ry Velasco dahil sa video kung saan binigyan niya ng kotse ang amang si Onyok Velasco

- Ibinigay ni Ry ang isang pickup truck na matagal nang pinapangarap ng kanyang ama

- Hindi maitago ni Onyok Velasco ang tuwa at emosyon sa natanggap na regalo mula sa anak

- Muling nag-viral ang video matapos balikan ng netizens sa gitna ng diskusyon tungkol sa pagpapahalaga sa mga magulang

Nag-trending muli ang social media influencer na si Ry Velasco matapos binalikan ng netizens ang kanyang viral video kung saan ibinigay niya ang isang kotse sa kanyang ama, ang 1996 Atlanta Olympic silver medalist na si Onyok Velasco. Sa nasabing video, ipinakita ni Ry ang kanyang surpresa sa ama, na isang pickup truck na matagal nang pinapangarap ni Onyok. Hindi maitago ng dating boksingero ang kanyang tuwa at emosyon nang makita ang regalong inihandog sa kanya ng anak.

Read also

Lumang post ni Angelica Yulo tungkol sa pagiging ina, binalikan ng netizens

Ry Velasco, trending dahil sa video ng pagbigay niya ng kotse sa amang si Onyok Velasco
Ry Velasco, trending dahil sa video ng pagbigay niya ng kotse sa amang si Onyok Velasco
Source: TikTok

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Ry ang kanyang pasasalamat sa lahat ng sakripisyong ginawa ng kanyang ama para sa kanilang pamilya. "I love you, dad. You deserve everything," ani Ry, na sinundan pa ng mas emosyonal na pahayag, "You've given everything to us Dad. I owe it all to you."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matapos ang mga diskusyon sa social media tungkol sa pagpapahalaga sa mga magulang, muling naging usap-usapan ang video ni Ry na unang in-upload noong nakaraang taon, at nagbigay inspirasyon sa maraming netizens na alagaan at pahalagahan ang kanilang mga magulang.

Si Mansueto "Onyok" Velasco Jr. ay isang retiradong Filipino boxer. Taong 1994 nang makuha niya ang gold medal sa Asian Games. Matapos namang masungkit ang silver medal sa 1996 Atlanta Olympics mula sa 64 na taong paghihintay ng Pilipinas, mas pinili na ni Onyok na pasukin ang showbiz kung saan naging isa siyang komedyante.

Read also

Mark Andrew Yulo, nagkomento sa post ni Caloy: "Dapat mag sorry ka sa nanay mo"

Matatandaang naging matunog kamakailan ang hindi pa buong insentibo na natanggap ni Onyok mula sa pamahalaan matapos ang sunod-sunod naman na pledges ng mga indibidwal para sa apat na atletang nagbigay din ng karangalan sa bansa sa pag-uwi ng medalya mula sa Tokyo 2020 Olympics.

Dumulog din sa programa ni Raffy Tulfo si Onyok matapos na mabangga ang kanyang sasakyan at magkaproblema umano sa insurance. Sa naturang paglapit ni Onyok kay Tulfo, nagpahayag din ng respeto at paghanga si Tulfo kay Onyok at sinabing isa pa siya sa mga nag-cover ng laban nito noong siya pa ay reporter ng PTV4.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate