Hidilyn Diaz, 3 gold medal ang nasungkit sa 2022 World Weightlifting Championships

Hidilyn Diaz, 3 gold medal ang nasungkit sa 2022 World Weightlifting Championships

- Wagi si Hidilyn Diaz sa 2022 World Weightlifting Championships sa Bogota, Columbia

- Lahat ng tatlong gintong medalya sa women’s 55kg ay nasungkit ni Hidilyn

- Matatandaang naging makasaysayan ang pagkapanalo ni Hidilyn sa 2020 Tokyo Olympics nang maiuwi niya ang gintong medalya

- Mula noon, lalong naging determinado si Hidilyn na ipagpatuloy ang pakikipagtunggali at ngayon nga ay dinomina niya ang World Weightlifting Championships

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muli na namang gumawa ng ingay ang pangalan ni Hidilyn Diaz sa weightlifting matapos nitong magwagi sa 2022 World Weightlifting Championships.

Hidilyn Diaz, 3 gold medal ang nasungkit sa 2022 World Weightlifting Championships
Hidilyn Diaz (@hidilyndiaz)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nasungkit ni Hidilyn ang tatlong gintong medalya sa women’s 55kg ng nasabing paligsahan.

Matatandaang naging puspusan ang pag-eensayo ni Hidilyn para rito matapos niyang makamit ang makasaysayang pagkapanalo niya ng gold medal sa 2020 Tokyo Olympics.

Ayon sa ulat ng News 5, dinomina ni Hidilyn ang World Weightlifting Championships ngayong taon na ginanap sa Bogota, Colombia matapos na makuha lahat ng unang karangalan sa buong tournament.

Read also

Cedric Lee sa pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro: "Hindi pa tapos ang laban"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang 2022 World Weightlifting Championships ay unang naiplano na isagawa sa China. Subalit dahil sa COVID-19 na labis na bumago sa mga kaganapan sa buong mundo, napagdesisyunan na gawin ito sa Colombia.

Ito ang unang pagkakataon na maging host country ang Colombia sa nasabing paligsahan.

Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter na unang nakasungkit ng gintong medalya para sa bansa sa Olympics. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.

Matatandaang naiuwi din ni Hidilyn ang tatlong gintong medalya sa 2020 Weightlifting World Cup. Taong 2016 nang makamit nang makamit naman niya ang silver medal mula sa Rio Olympics at mula noon, naging kontrobersiyal ang paghingi ni Hidilyn ng suporta para sa kanyang training para sa 2020 Olympics.

Read also

Wilbert Tolentino, gumastos ng milyones para sa 50 katao na dinala niya sa Uganda

Nito lamang Hulyo 26, natuloy na ang pag-iisang dibdib ni Hidilyn sa kanyang coach na si Julius Naranjo na ginanap sa St. Ignatius Chapel sa loob mismo ng Philippine Military Academy sa Baguio. Ilan sa mga kilalang personalidad na naging ninong at ninang nina Hidilyn at Julius ay sina Senator Manny Pacquiao at dating Vice President Leni Robredo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica