Hidilyn Diaz, tuloy pa rin ang training pagkauwi ng Pilipinas

Hidilyn Diaz, tuloy pa rin ang training pagkauwi ng Pilipinas

- Ibinahagi ni Hidilyn Diaz ang kanyang patuloy na training matapos na makauwi sa Pilipinas

- Habang naka-quarantine sa hotel, ipinakita ni Hidilyn ang patuloy niyang pagwo-workout at pagbubuhat

- Kahit patong-patong ang kanyang meeting, isinisingit pa rin ni Hidilyn ang patuloy na workout

- Ito ay dahil umano sa pag-uudyok at motivation sa kanya ng kanyang coach at boyfriend na si Julius Naranjo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni Hidilyn Diaz ang kanyang ginagawa pa rin na pagwo-workout kahit naka-quarantine pa noon sa hotel.

Nalaman ng KAMI na pagkauwi pa lamang ni Hidilyn noong Hulyo 28, hindi pa rin ito bumitaw sa pag-eensayo at sa patuloy na pagbubuhat.

Sa kanyang vlog, ipinakita ng Olympic gold medalist ang set-up sa kanyang kwarto kung saan patuloy siyang nagwo-workout at nagti-training.

Hidilyn Diaz, tuloy pa rin ang training pagkauwi ng Pilipinas
Hidilyn Diaz (Photo:@hidilyndiaz)
Source: Instagram

Kwento pa ni Hidilyn, sinubukan niyang magsabi sa kanyang coach at boyfriend na si Julius Naranjo kung maaring hindi na muna siya mag-training, ngunit hindi siya pinayagan nito.

Read also

Luis Manzano, inamin kay Jessy Mendiola na nag-cheat siya sa ex noong college

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sabi ko kay coach Julius, pwede bang hindi na ako mag-training, sabi niya 'you wish'!"

Katwiran ni Hidilyn, alas sais na ng gabi noon at mayroon pa umano siyang meeting.

"Ganun talaga, you need people to run you kahit tinatamad ka, you need people to push you di ba?" paliwanag ni Hidilyn.

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanyang YouTube Channel:

Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.

Bukod sa gold medal na nakuha niya sa women's 55 kilogram category sa Tokyo 2020 Olympics, matatandaang naiuwi din ni Hidilyn ang tatlong gintong medalya sa 2020 Weightlifting World Cup.

Sa dami ng mga naipangakong regalo at pledges para kay Hidilyn sa pagsungkit ng gintong medalya sa katatapos lamang na olympics, hangad naman ng 1996 Summer Olympics silver medalist na si Mansueto "Onyok" Velasco Jr. na matanggap ni Hidilyn ang lahat ng dapat nitong matanggap.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: