Chloe San Jose, tumangging magpa-interview sa media

Chloe San Jose, tumangging magpa-interview sa media

- Tumanggi si Chloe Anjeleigh San Jose sa interview request ni GMA reporter Mariz Umali sa pagdating ng mga atletang Pilipino mula sa 2024 Paris Olympics

- Agad sinabi ni Chloe kay Mariz na huwag na siyang i-interview matapos siyang lapitan para sa maikling panayam

- Ipinaliwanag ni Chloe na iniiwasan niya ang media interviews upang hindi makuha ang atensyon mula kay Carlos Yulo

- Kilala si Chloe bilang isang content creator at social media influencer na aktibo sa fashion, lifestyle, at travel content

Sa pagdating ng mga atletang Pilipino mula sa 2024 Paris Olympics, naging usap-usapan online ang mabilis na pagtanggi ng girlfriend ni Carlos Yulo, si Chloe Anjeleigh San Jose, sa isang interview request mula kay GMA reporter Mariz Umali.

Chloe San Jose, tumangging magpa-interview sa media
Chloe San Jose, tumangging magpa-interview sa media
Source: Instagram

Habang abala si Chloe sa isang photo session kasama ang mga fans, nilapitan siya ni Mariz para sa isang maikling panayam. Subalit, agad na tumanggi si Chloe at sinabing, “Ay sorry, wag na ako mag-interview.” Iginagalang ni Mariz ang desisyon ni Chloe at agad na inilihis ang kamera, sabay sabi ng, “Wag na daw, and we respect that.”

Read also

Chloe San Jose, sinupalpal ang kumwestiyon sa business class flight niya mula Paris

Si Mariz Umali ay isang kilalang news anchor at journalist sa telebisyon, na kilala bilang pangunahing newscaster ng weekend edition ng Balitanghali sa GMA News TV. Nagsimula siya sa GMA Network noong 2001 bilang producer at researcher na nagko-cover ng Philippine general elections bago naging isang news reporter.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, si Chloe Anjeleigh San Jose ay isang 22-anyos na content creator at social media influencer mula Melbourne, Australia. Kilala siya sa kanyang mga fashion, lifestyle, at travel content, at aktibo rin siya sa YouTube kung saan siya nagpo-post ng mga song cover.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Read also

Chloe San Jose, sinagot si Xian Gaza sa post nito tungkol sa occupational therapist ni Carlos Yulo

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang alitan dahil sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose.

Sa kabila ng mga paratang na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng kanyang post, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling ng kopya para sa kanyang reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate