NBA Finals Game 1: Boston Celtics, dinaig ang Golden State Warriors

NBA Finals Game 1: Boston Celtics, dinaig ang Golden State Warriors

- Natalo ng Boston Celtics ang Golden State Warriors sa Game 1 ng NBA Finals 2022

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Si Al Horford ang nanguna sa Celtics with 26 points, kasama na rito ang anim na 3-point field goals

- Si Jaylen Brown naman ay nagtala ng 24 points, seven rebounds, at five assists para rin sa Celtics

- Para naman sa Golden State, nanguna muli si Steph Curry with 34 points

Dinaig ng Boston Celtics ang Golden State Warriors sa Game 1 ng NBA Finals 2022 sa final score na 120-108, na ginanap sa home court ng Warriors.

Pinangunahan ni Al Horford ang Celtics with 26 points, kasama na rito ang anim na 3-point field goals. Sumuporta rin sa kanya si Jaylen Brown, na nagtala ng 24 points, seven rebounds, at five assists. Samantala, ang bench player ng Celtics na si Derrick White ay nagbigay ng 21 points para sa kanyang kupunan.

Read also

Lolit Solis, sinabing lagi raw nag-aaway si Jeric Gonzales at Rabiya Mateo

Para naman sa natalong kupunan, nanguna muli si Steph Curry with 34 points at pumangalawa si Andrew Wiggins with 20 points.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

NBA Finals Game 1: Bolton Celtics, dinaig ang Golden State Warriors
Steph Curry (Gretchen Ho)
Source: Instagram

Narito ang highlights mula sa exciting NBA Finals Game 1:

Tangi sa NBA Finals 2022, may iba pang mga exciting reports ang KAMI ukol sa pinaka prestigious na basketball league sa buong mundo.

Kamakailan lang ay nag-viral ang isang Filipino artist na gumawa ng malupet na charcoal painting ng greatest NBA star of all-time na si Michael Jordan. Maaari raw pumalo ng 40 million pesos ang artwork na ito ni Christian Talampas.

Nag-trending din ang photo ng Filipina host na si Gretchen Ho kasama ang Golden State Warriors superstar na si Steph Curry. Nag-react si Gretchen matapos siyang akusahan na “groupie” ng nasabing player. Sinabi ni Gretchen: “Geez. When you take fan photos with NBA players, why do people immediately assume something happened. I have gotten this so many times. Pwede ba.”

Si Steph Curry ang kinikilalang greatest shooter sa history ng NBA. Siya ang point guard ng Golden State Warriors, kung saan nanalo na siya ng tatlong NBA championships. May isang regular season MVP award din si Steph. Sina Klay Thompson at Draymond Green ang kanyang mga kasama sa nasabing kupunan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta