Carlo Paalam, to receive at least Php20 million worth of cash incentives
- Tinatayang nasa Php20 million ang makukuha ni Carlo Paalam sa pagsungkit nito ng silver medal sa men’s flyweight division ng boxing
- Tulad ng ibang mga olympic medalist ngayong taon, may free flights din siya sa iba't ibang airlines
- Muling nagbigay ng incentives ang MVP Sports Foundation, si Deputy Speaker Mikee Romero at Ramon S. Ang ng San Miguel corporation
- Kahanga-hanga umano ang kwento ng tagumpay ni Carlo na dating mangangalakal at ngayon, bahagi na ng kasaysayan ng bansa sa pagsungkit ng silver medal sa Olympics
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ilang oras matapos ang finals ng men’s flyweight division ng boxing sa Tokyo 2020 Olympics, inilabas na ang mga makukuha ng pambato ng Pilipinas na si Carlo Paalam.
Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na masungkit ni Carlo ang ikalawang silver medal ng bansa para sa Olympics ngayong taon.
Sa ngayon, Agosto 7, tinatayang nasa Php20 million na ang cash incentives na makukuha ni Carlo.
Ayon sa Philippine Star, Php5 million ay magmumula sa pamahalaan, Php5 million mula sa MVP Sports Foundation, isa pa muling Php5 million mula kay Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation.
Samantala, Php2 million naman ang magmumula kay Deputy Speaker Mikee Romero at Php3 million mula sa Phoenix Petroleum sa pamamagitan ng Siklab Atleta Pilipinas Foundation.
Si Carlo ang ikalawang pambato ng Pilipinas na nakakuha ng silver medal sa Tokyo 2020 Olympics ayon sa Rappler.
Ngayong taon naitala ang pinakamaraming naiuwing medalya ng Pilipinas mula sa Olympics ayon sa Yahoo Philippines.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Carlo Paalam ay isang Filipino Amateur boxer. Base sa tala nitong Abril 2021, ika-12 sa flyweight division ng Amateur International Boxing Association rankings. Siya ang naging pambato ng bansa sa men’s flyweight division ng boxing ng Tokyo 2020 Olympics kung saan may nasungkit niya ang silver medal sa laban niya kay Galal Yafai ng Great Britain.
Marami ang humanga kay Carlo nang maikwento niyang dati siyang mangangalakal bago mapasok sa mundo ng pagboboksing sa tulong ng dati ring atleta at naging una niyang coach na si coach Elmer Pamisa.
Sa kanyang laban noong semis, abot-abot ang pagdarasal ng kanyang pamilya habang nakatutok sa panonood sa kanya. Tila dininig naman ang dasal ng mga ito at nakarating siya sa finals kung saan nakamit niya ang pilak na medalya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh