Pamilya ni Carlo Paalam, 'dininig ang dasal' nang umusad ito sa Finals
- Nakunan ang reaksyon ng pamilya ni Carlo Paalam habang lumalaban ito sa Tokyo 2020 Olympics
- Mapapansing todo ang pagdarasal ng kanyang ate at ama na tutok na tutok sa semi-finals ngayong Agosto 5
- Lalong tumindi ang emosyon nang iproklama nang panalo si Carlo laban sa pambato ng Japan
- Tuloy-tuloy pa rin ang suporta sa kanya ng kanyang pamilya at ng sambayanang Pilipinas para sa pagsungkit niya ng gintong medalya sa huling laban niya sa Sabado, Agosto 7
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakunan ng News 5 ang reaksyon ng pamilya ng pambato ng Pilipinas sa flyweight division ng Tokyo 2020 Olympics na si Carlo Paalam.
Nalaman ng KAMI na habang nakatutok sa panood ng laban ni Carlo ay walang humpay naman ang pagdarasal ng kanyang ate at ama.
Aminadong kabado rin ang mga ito dahil sinasabing may 'homecourt advantage' ang kalaban nitong buhat sa Japan.
Kaya naman nang inanunsyo na siya ang panalo, sumabog ang emosyon ng lahat ng mga nanood lalo na ng kanyang pamilya.
Maging ang nobya ni Carlo na tahimik lamang na nanonood ay hindi na napigilang maiyak sa pagkapanalo ng kasintahan.
Ayon sa ate ni Carlo na si Michellyn Paalam, dininig umano ang dasal nila at nakita naman ang ginawa ng kapatid upang maipanalo ang laban.
Pahayag naman ng nobya ni Carlo na si Stephanie Sepuveda, deserve umano ni Carlo ang tinatamasang tagumpay lalo nang sa tindi ng mga pinagdaanan nito sa buhay.
Wala namang pagsidlan ng kagalakan ang kanyang ama na si Pio Reo Paalam na payo pa rin ang patuloy na pagdarasal sa anak na sasabak pa sa pagsungkit ng gintong medalya sa Sabado, Agosto 7.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Carlo Paalam ay isang Filipino Amateur boxer. Base sa tala nitong Abril 2021, ika-12 sa flyweight division ng Amateur International Boxing Association rankings. Siya ang pambato ng bansa sa Tokyo 2020 Olympics kung saan may sigurado na siyang silver medal sa ngayon.
Subalit, marami ang umaasa at naniniwalang maaring maiuwi ni Carlo ang isa pang gintong medalya para sa Pilipinas na nakamit kamakailan ni Hidilyn Diaz sa weightlifting.
Samantala, nasungkit naman ni Nesthy Petecio ang silver medal sa women's boxing kung saan nakalaban niya ang Japan sa finals.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh