Vico Sotto, umani ng papuri sa paninindigan laban sa “Money Politics”

Vico Sotto, umani ng papuri sa paninindigan laban sa “Money Politics”

- Ipinahayag ni Mayor Vico Sotto ang kanyang paninindigan laban sa “money politics” sa isang viral Facebook post

- Ipinaliwanag niya na sinasadya niyang huwag gumastos nang malaki sa kampanya upang hindi mapasama sa bulok na sistema

- Binanggit niya na ang labis na paggastos ng mga politiko ay nagdudulot ng korapsyon at hadlang sa mga matitinong kandidato

- Hinikayat niya ang publiko na suportahan ang mga kandidatong tunay na karapat-dapat at hindi nakasandig sa pera

Umani ng papuri si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos ang kanyang viral na Facebook post nitong ika-12 araw ng kampanya, kung saan iginiit niya ang kanyang matibay na paninindigan laban sa tinatawag na “money politics” sa bansa.

Vico Sotto, umani ng papuri sa paninindigan laban sa “Money Politics”
Vico Sotto, umani ng papuri sa paninindigan laban sa “Money Politics” (📷Vico Sotto/Facebook)
Source: Instagram

Sa kanyang post, pabirong sinabi ni Mayor Vico, “Day 12 of 45. Shout out sa mga supporter na hindi na makapag-antay sa tarp 😅🙏🙏🙏,” sabay paliwanag kung bakit tila mabagal ang pagkabit ng kanyang mga campaign materials. Ayon sa kanya, ito ay isang sinadyang desisyon bilang bahagi ng kanyang layunin na putulin ang siklo ng labis na paggastos sa politika.

Read also

COMELEC, muling nagpataw ng show cause order kay Atty. Ian Sia

“10 years na akong politiko pero wala pa rin malaking 'makinarya' para sa mabilisang pagkabit ng mga poster at iba pa. Bakit? Choice po ito,” ani Sotto.

Ipinaliwanag ng alkalde na ang labis na gastos sa kampanya ay madalas humahantong sa korapsyon, at lalong nagpapahirap sa mga matitinong kandidato na walang sapat na pondo para makipagsabayan. “Alam na naman natin kung ano ang kasunod nun... korapsyon. Pero hindi lang ito ang problema,” dagdag niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naniniwala si Sotto na oras na upang palitan ang sistema at bigyang-daan ang mga kandidatong tunay na karapat-dapat, anuman ang kanilang kakayahang pinansyal. “Kailangan makarating tayo sa punto na ang ‘best of the best’ ang nauupo sa posisyon... maitataguyod natin ang isang gobyernong maayos at tunay na para sa tao,” aniya.

Bagama’t pabirong sinabi ni Sotto na sa susunod na lamang siya sasali sa “essay-writing contest,” maraming netizen ang nagpaabot ng suporta at paghanga sa kanyang tapat at bukas na mensahe. Sa pagtatapos ng kanyang post, iginiit niya: “𝘛𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯. 𝘝𝘰𝘵𝘦 𝘴𝘵𝘳𝘢𝘪𝘨𝘩𝘵, 𝙂𝙞𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙨𝙞𝙜! 🏹🎯”

Read also

Shamcey Supsup, nag-resign sa kanyang political party matapos ang isyu ng kasamahang miyembro

Ang naturang post ay mabilis na kumalat sa social media at kinilala ng marami bilang isang halimbawa ng bagong uri ng pamumuno—malinis, matino, at makatao.

Si Vico Sotto ay isang kilalang politiko at kasalukuyang alkalde ng Pasig City. Bilang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes, lumaki siya sa ilalim ng matinding pansin ng publiko. Bago pumasok sa politika, nagturo siya ng agham panlipunan sa Arellano University at nagtamo ng Bachelor's degree sa Political Science at Master's degree sa Public Management mula sa Ateneo de Manila University. Pumasok siya sa politika noong 2016 nang mahalal bilang konsehal ng Pasig bilang isang independent candidate. Noong 2019, nahalal siyang alkalde ng Pasig at muling nahalal noong 2022. Kilalang-kilala siya sa kanyang mga reporma sa gobyerno at mga inisyatibang nakatuon sa pagpapabuti ng serbisyong pampubliko

Noong Marso 27, 2025, hindi dumalo ang kalaban ni Mayor Vico Sotto sa isang Peace Covenant signing sa Sta. Clara de Montefalco Parish. Bilang tugon, nag-abot ng kamay si Sotto sa hangin bilang simbolo ng pagkakasunduan.

Read also

Vico Sotto, kibit-balikat sa akusasyon ni Ian Sia sa kanya

Sa isang pampulitikang pagtitipon, ipinakilala ni Vic Sotto ang kanyang anak na si Mayor Vico Sotto bilang "ang susunod na presidente ng Pilipinas," na ikinatuwa ng mga dumalo at naging usap-usapan sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: