Sen. Robin, ibinahagi ang lagay ni Salvador Medialdea sa ospital sa Netherlands
- Ibinahagi ni Senator Robin Padilla ang lagay ng dating executive secretary ni Pangulong Duterte na si Salvador Medialdea
- Si Medialdea ang tumayong abogado ni Former President Duterte sa initial appearance nito sa ICC
- Matatandaang nito lamang nakaraang Marso 18 nang ibahagi rin ni Robin na isinugod sa ospital si Medialdea
- Kasalukuyan pa rin umanong nasa The Hague sa Netherlands si Dating Pangulong Duterte kung saan sinundan siya ng anak na si VP Sara Duterte at isa sa mga kasama nitong si Sen. Robin
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbigay ng update si Senator Robin Padilla tungkol sa lagay ni Salvador Medialdea sa isang ospital sa Netherlands.

Source: Facebook
Matatandaang una nang ibinahagi ni Sen. Robin na isinugod umano sa pagamutan si Medialdea noong Marso 18.Matatandaang una nang ibinahagi ni Sen. Robin na isinugod umano sa pagamutan si Medialdea noong Marso 18.
Sa kanyang post, naikwento ni Robin na kahit nakaratay sa ospital ang abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay patuloy pa rin umano ang pagbibigay nito ng habilin.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Taas Ang kamay ko po sa Inyo, Sir FES Salvador Medialdea"
"Bihirang klase na po Ang mga katulad ninyo sa kalagitnaan ng inyong pagkahimatay ay şi mayor FPRRD pa rin Ang inyong iniisip buong biyahe ng ambulansya hanggang sa emergency room, lahat puro bilin ng mga kailangan ni Digong. Paulit ulit kahit hirap magsalita kaya. Paulit ulit din yun Pag test sa kanya. Kinailangan pa ako palabasin sandalı kaşı nagpupumilit pa rin mag isip at magsalita."
Si Medialdea ang tumayong abogado ni Former President Duterte sa initial appearance nito sa International Criminal Court noong Marso 14.
Samantala, kasalukuyan pa ring nasa The Hague sa Netherlands ang inakusahang dating pangulo sa umano'y crime against humanity na umano'y may kaugnayan sa kanyang kampanyang 'war on dr*gs nang siya'y naupo bilang pangulo ng bansa noong mula 2016 hanggang 2022.
Narito ang kabuuan ng post ni Senator Robin Padilla mula sa kanyang Facebook post:
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.
Ang kanyang anak na si Sara Duterte ang kasalukuyang pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Minsan na rin siyang naging Kalihim ng Kagawaran ng edukasyon subalit hindi nagtagal ay pinalitan na rin siya ng kasalukuyang kahilim na si Senator Sonny Angara.
Sa kasagsagan ng mga kaganapan sa pag-aresto sa dating pangulong Duterte, nagpalit ng profile picture si VP Sara na tila may panawagan para sa ama. Makikita roon ang pulang laso na may katagang "Bring PRRD Home" at ang hand sign na simbolo ng pakikiisa ng kanilan mga supporters.
Matapos na lumipad ang ama patungo sa The Hague, agad na sumunod si VP Sara at ilan pa niyang kasama sa Netherlands tulad ni Senator Robin Padilla upang mabigyang suporta ang ama. Kamakailan, ibinahagi ng bise presidente ang mensahe ng kanyang ama sa kanilang mga supporters. Sinabi raw ni FPRRD na kumalma lamang umano ang kanilang supporters dahil may hanggangan umano ang lahat.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh