PBBM kay dating pangulong Gloria Magapagal-Arroyo: "You have to guide me through this"

PBBM kay dating pangulong Gloria Magapagal-Arroyo: "You have to guide me through this"

- Humingi umano ng gabay ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang preseident-elect na si Bongbong Marcos

- Bilang bagong halal na presidente, sinabi umano niya kay GMA na magsilbi umano itong 'guide niya

- Isa sa GMA sa mga kilalang personalidad na sumusuporta sa Marcos-Duterte tandem na siyang nanguna sa May 9 election

- Noong Mayo 25, pormal nang iprinoklama si Bongbong Marcos bilang ika-17 presidente ng Pilipinas

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hiningi ni President-Elect Bongbong Marcos (PBBM) ang paggabay ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo (GMA) bilang bagong pinuno ng bansa.

PBBM kay dating pangulong Gloria Magapagal-Arroyo: "You have to guide me through this"
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. (Bongbong Marcos)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na hayagang sinabi nito ni PBBM gayung si GMA din ang isa sa mga masugid nilang taga-suporta ng vice president-elect naman na si Sara Duterte.

"You have to guide me through this, I've never been through this," ani PBBM na siyang naibahagi rin ng News 5.

Read also

VP-elect Sara Duterte, sinamahan ang isang estudyante sa moving-up ceremony nito

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang madalas makita si Arroyo sa mga pagtitipon ng kandidatura pa lamang noon ng Marcos-Duterte tandem.

SI GMA rin ang 'President Emeritus' ng Lakas-CMD na partidong kinabibilangan din ng pinsan ni PBBM na si Leyte Rep. at House Majority Leader Martin Romualdez.

Mayo 25, nang pormal nang iproklama si Marcos bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.

Sa kasunod na raw na ito, isinagawa ang interview ni Press Secretary-designate Atty. Trixie Cruz-Angeles kay PBBM kung saan tinalakay nila ang ilang mahahalagang hakbangin na gagawin ni Marcos bilang pabong pinakamataas na pinuno ng bansa.

Mayo 9, 2022 nang maganap ang maksaysayang National at Local Elections sa Pilipinas na sinasabing may pinakamataas na bilang ng mga botanteng nakiisa.

Ilang oras matapos na isara ang botohan, mabilis na nakapag-transmit ng resulta ang mga Electoral Board members kung saan malaki agad umano ang naging lamang ni Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali sa pagka-pangulo na si Vice President Leni Robredo. Ilang araw ang lumipas, umabot sa 31 million ang boto ni Marcos habang si Robredo ay nasa 15 million naman.

Read also

Ogie Diaz bilang manager ni Liza Soberano: "Hanggang May 31, 2022 pa po"

Samantala, matatandaang agad namang nag-concede ang iba pa nilang nakatunggali sa pagka-pangulo na sina Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao.

Si Pacquiao ang nakakuha ng ikatlong pinakamataas na botong umabot sa mahigit sa 3 million votes na sinundan naman ni Moreno na may halos dalawang milyong boto.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica