Darryl Yap, sa umano'y pahayag ni VP Leni ukol sa pagkatalo; "Tama na po"
- May ilang sagot ang direktor na si Darryl Yap kaungay sa mga inilabas na pahayag ni Vice President Leni Robredo
- Ito ay patungkol sa nasabi ng bise presidente na hindi umano pagkatalo ang nangyayari sa kanya at sa kanya umanong supporters ngayong eleksyon
- Sunod-sunod ang umano'y mga post patungkol sa mga kaganapan sa katatapos lamang na Halalan
- Matatandaang si Yap ang direktor sa likod ng Len-len series kung saan naroon si Senator Imee Marcos
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
May ilang mga sagot si Darryl Yap patungkol sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo.
Nalaman ng KAMI na sunod-sunod ang mga post ni Yap sa kanyang social media patungkol sa mga kinalabasan ng katatapos lamang na Halalan.
Hindi pa man natatapos ang bilangan ay malaki na ang nagiging lamang umano ng presidential aspirant na si Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali na si Vice President Leni Robredo.
Subalit sa inilabas na pahayag ni Robredo, nasabi nitong hindi pagkatalo ang nakikita niya sa ngayon dahil sa dami ng mga napagtagumpayan niya at ng kanyang supporters sa Halalan 2022.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Hindi ko siya kino-consider na pagkatalo dahil marami tayong na-achieve ngayong election na ito... Mayroong mas malaking laban," ang bahagi ng pahayag ni VP Leni nang bigyan siya ng pagkakataong makapagbigay mensahe matapos ang thanksgiving mass niya na ginanap sa Legazpi.
Dahil sa pahayag na ito, nasabi naman ng VinCentiments direktor na animo'y praktis lang ang nagaganap na paglamang sa boto ng kandidato nilang si Bongbong Marcos kumpara sa natatanggap na boto kay Robredo.
"Pagkatalo po ‘yan, pero puwede namang hindi umastang talunan. Tama na po,”
"HINDI ITO PAGKATALO. So ano ‘yun? Praktis lang?" ang kanyang mga nasabi sa magkaibang post.
Si Darryl Yap ay isa sa mga kilalang bagong direktor sa Pilipinas. Naging kontrobersyal siya dahil sa kanyang VinCentiments series at short films na may kakaibang atake sa pagtalakay sa iba't ibang isyu sa ating bansa.
Isa na rito ang 'Len-Len series' na pinagbidahan ni Senator Imee Marcos at ng komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia.
Kamakailan, naglabas din ng pahayag si Yap kaugnay ng isa nilang aktor sa Len-Len series na isa pala umanong Kakampink.
Source: KAMI.com.gh