VP Leni sa celebrities na boluntaryong sumusuporta sa kanya: "'Yun yung grabe!"
- Labis-labis ang pasasalamat ni VP Leni Robredo sa mga celebrities na boluntaryong sumusuporta sa kanya
- Nilarawan niyang 'grabe' ang mga ito dahil sa mga iniri-risk umano ng mga artista maging ang may malalaking pangalan sa showbiz
- Hindi rin siya makapaniwala na mismong ang mga iniidolo niya ay susuportahan siya sa kanyang kandidatura
- Lalo na si Maricel Soriano na talagang iniidolo niya gayundin ang aktor na si Piolo Pascual
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Grabe ang pasasalamat ni Vice President Leni Robredo sa mga artistang lakas loob na nagboluntaryong suportahan at i-endorso siya.
Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa naitanong sa kanya ni Ogie Diaz na isa rin sa mga celebrity supporters niya.
Sa kauna-unang pagkakataon, naibulalas ng presidential candidate kung ano ang saloobin niya sa mga celebrities na hayagan ang pagsuporta sa kanyang kandidatura.
"'Yun ang grabe! Kasi andaming pwedeng mawala sa inyo. Andami niyong niri-risk lalo 'pag hindi ako manalo. Kaya grabe talaga, grabe yung pasalamat," ayon kay VP Leni.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hindi man siya nagulat na siya ang sinusuportahan ng kanyang mga iniidolo, hindi lamang daw niya inaakala na maging ang malalaking pangalan sa showbiz ay lalantad ng pagsuporta sa kanya.
"Hindi naman ako nag-akalang hindi amin pero mas inaakala kong dahil big star, hindi maglalantad. Whether sa akin whether sa ibang kandidato, hindi maglalantad kasi wala naman siyang makukuha. I mean walang gain for him na lumantad pero everything to lose pero ginawa."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz:
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan ay inalmahan ni VP Leni ang mga fake news tungkol sa kanya kung saan sinabing mayroon siyang unang asawa sa edad 15, at nagkaroon daw siya ng anak dito na nagawa pa raw niyang iabandona.
Source: KAMI.com.gh