VP Leni, aminadong nagugulat pa rin sa testimonya ng mga taong natulungan niya

VP Leni, aminadong nagugulat pa rin sa testimonya ng mga taong natulungan niya

- Aminado si Vice President Leni Robredo na nagugulat pa rin umano siya sa mga testimonya ng mga taong natulungan niya o ng kanyang opisina

- Gayunpaman, nakararamdam din siya ng hiya lalo na kung ang mga ito ay nasa entablado na

- Sinisiguro rin niyang hindi pinilit ang mga taong ito na lahat naman'y kusang loob umano ang pagbibigay ng kanilang testimonya ng mga nagawa ni VP Leni

- Iniiwasan din niyang isipin ng tao na nagagamit lamang ang mga ito sa oras ng kampanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aminado si Vice President Leni Robredo na nagugulat pa rin siya sa mga testimonya ng taong natulungan niya o ng kanyang opisina.

VP Leni, aminadong nagugulat pa rin sa testimonya ng mga taong natulungan niya
VP Leni Robredo (Photo: Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa naitanong sa kanya ni Ogie Diaz nang makapanayam niya ito ilang araw bago ang Halalan sa Mayo 2.

Read also

VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria

"Pero minsan nae-embarrass ako. Sa Pasay rally halimbawa, nandun ako sa tent, may isang babaeng lumapit sa akin may dalang baby, mga one-year old na baby. Ma'am lumapit ako sa inyo kasi gusto kong magpasalamat. Kasi ako 'yung ano, ako 'yung inambulansya niyo last year na hindi nakakahanap ng ospital. Kasi may surge e. Hinanapan namin siya ng ambulansiya, ako mismo personally nag-oversee. Sabi niya, talagang gusto kong pumunta dito. Gusto ko lang ipakita na ito 'yung baby ko, ito na po 'yung baby"

Si VP Leni mismo ang naka-chat ng ina na ito na humihingi ng tulong sa kanyang opisina partikular na sa "Bayanihan e-Konsulta".

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, nahihiya siya minsan sa pag-iisip na baka pinilit lamang ang mga taong ito na nagbibigay testimonya.

"Kaya lagi ko silang sinisita, sigurado ba kayo na hindi niyo yun pinilit? Ayokong ma-feel nila na ginagamit sila because of the elections," dagdag pa ni VP Leni.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Kamakailan, matapang na sinagot ng bise presidente ang kabi-kabilang paninira umano sa kanya maging sa kanyang pamilya. Aniya, hindi na siya nagugulat sa mga ganitong pangyayari na dinanas na rin nila noong Eleksyon 2016.

Samantala, ibinahagi niya kamakailan ang pagha-house to house campaign niya sa Naga matapos na bumisita sa burol ng kanyang umanong kaibigan. Aniya, tila na miss niya ang ganoong klaseng pagkampanya kung saan naririnig ang mga hinaing ng ating mga kababayan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica