VP Leni Robredo, pinasalamatan ang lahat ng nakiisa sa kanyang birthday rally
- Pinasalamatan ni Vice President Leni Robredo ang lahat ng mga nakiisa sa kanyang birthday rally
- Dinaluhan ito ng nasa 412,000 na mga Kakampink at may mga pagtatanghal din ng kilalang mga personalidad
- Isa sa agaw-eksenang kaganapan noong gabing iyon ay ang pag-endorso ni Vice Ganda kay VP Leni
- Nasa 60 na mga artista at performers ang lalong nagpasaya umano sa nasabing pagtitipon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Pinasalamatan ni Vice President Leni Robredo ang mga nakiisa at nakisaya sa kanyang birthday rally sa Macapagal Avenue, Pasay City noong Abril 23.
Nalaman ng KAMI na dinaluhan ito ng tinatayang 412,000 katao na nakibahagi sa kasiyahan sa pagdiriwang ng ika 57 na kaarawan ng presidential candidate.
Sa kanyang Facebook post, pinahalagahan umano ni VP Leni ang mga taong nagsakripisyo para sa ikatatagumpay ng nasabing pagtitipon.
"Maraming salamat po sa lahat na nagpadala ng birthday greetings- sa telepono, social media, etc. Pinangarap kong sagutin isa isa gaya ng dati pero hindi na talaga kinaya sa dami,"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Please know that your well wishes are very much valued and appreciated. Maraming salamat po"
"Maraming salamat din sa lahat na volunteers who made the rally yesterday a success- sa lahat na nagpuyat the night before para ayusin ang venue, sa lahat na naglakad papunta sa Macapagal, tumayo ng maraming oras sa init, uhaw at gutom, mga nahirapan umuwi sa kanilang bahay. Maraming salamat din sa lahat na nagpapagod para mag house to house at nakikiusap tao sa tao, puso sa puso"
"Maraming salamat sa ating volunteer entertainers na nagpasaya sa okasyon natin. Nakakataba ng puso ang kanilang pagtataya na walang hinihingi ng anumang kapalit"
"Ang maisusukli ko lang sainyong lahat ay ang pag seserbisyo ng tapat na puno ng puso at sipag. Maraming salamat po"
Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, matapang na sinagot ng bise presidente ang kabi-kabilang paninira umano sa kanya maging sa kanyang pamilya. Aniya, hindi na siya nagugulat sa mga ganitong pangyayari na dinanas na rin nila noong Eleksyon 2016.
Samantala, ibinahagi niya kamakailan ang pagha-house to house campaign niya sa Naga matapos na bumisita sa burol ng kanyang umanong kaibigan. Aniya, tila na miss niya ang ganoong klaseng pagkampanya kung saan naririnig ang mga hinaing ng ating mga kababayan.
Source: KAMI.com.gh