Senator Lacson, aminadong nagulat sa 'Withdraw Leni' na panawagan ni Mayor Isko Moreno
- Aminadong nagulat si Senator Panfilo "Ping" Lacson sa 'Withdraw Leni' na panawagan umano ni Mayor Isko Moreno
- Matatandaang sinabi ito ni Moreno sa joint press conference nilang iba pang mga presidential candidates noong linggo, Abril 17
- Ayon kay Lacson, hinding-hindi niya ito magagawa gayung naranasan din niya na masabihang mag-withdraw sa tinatakbuhang posisyon
- Isa si Lacson sa apat na presidentiables na nagkasundong magpapatuloy sa kanilang kandidatura sa pagka-pangulo
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Aminadong nagulat si Senator Panfilo "Ping" Lacson sa umano'y 'Withdraw Leni' naging panawagan ni Mayor Isko Moreno noong Linggo, Abril 17.
Matatandaang nasabi ito ni Moreno sa joint press conference ng presidential candidates.
Nalaman ng KAMI na wala raw umano sa napagkasunduan nilang apat na mga presidentiables na sina Mayor Isko Moreno, Sec. Norberto Gonzales at Senator Manny Pacquiao ang pagsasabing mag-withdraw sa kandidatura nitong pagka-pangulo si Vice President Leni Robredo.
Hindi nila umano intensyong pagtulungan ang bise presidente gayung ang pagpapahayag lamang ng pagpapatuloy nila ng kandidatura sa kabila ng umano'y nagsasabi na siya ang mag-withdraw gayung tila dalawa lamang daw ang naglalaban sa nasabing posisyon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa naging pahayag niya sa Estancia, Ilolo, nasabi niyang siya mismo ay nagulat sa naging pahayag ni Mayor Isko.
"I didn't see it coming nagulat din ako," ayon kay Lacson at sinabing hinding-hindi niya kayang manawagang mag-withdraw ang katunggali gayung naranasan niya ito noon kay Vice Presidential candidate Lito Atienza.
Dagdag pa niya, ang naturang press con ay napagdesisyunan nilang gawin upang matigil na ang mga haka-hakang titigil na sila sa pangangampanya at aatras sa kandidatura.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa GMA News:
Si Senator Panfilo 'Ping' Lacson Sr. ay isa sa sampung presidential candidate sa darating na eleksyon ngayong Mayo 9.
Sa interview sa kanya ni Boy Abunda, sinabi niyang siya ang 'most qualified', 'most competent' at 'most experienced' sa lahat ng mga kandidato kaya naman nararapat lang na siya ang iboto ng taumbayan.
Nang tanungin naman siya ukol sa naging komento sa kanya ni Vice President Leni Robredo na hindi umano ito 'on the ground' sa trabaho, sinagot niya ito na hindi umano siya ma-epal
Source: KAMI.com.gh