Ping Lacson sa kung bakit siya ang dapat na iboto bilang Pangulo; "I'm the most qualified"
- Unang sumalang si Senator Ping Lacson sa The 2022 Presidential One-On-One Interviews ni Boy Abunda
- Naibahagi ni Lacson ang kanyang mga paninidigan sa usaping nailatag sa kanya ni Abunda
- Bago matapos ang panayam, nagkaroon ng 'Political fast Talk' kung saan natanong si Lacson kung bakit hindi dapat iboto ang apat na mahihigpit niyang makakalaban sa posisyon ng pagiging pangulo
- Pare-pareho naman ang kanyang rason at naging sagot para kina dating senador Bongbong Marcos, Manila Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquiao at Vice President Leni Robredo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Senator Panfilo "Ping" Lacson ang unang nakapanayam ni Boy Abunda sa 'The 2022 Presidential One-On-One Interviews.'
Nalaman ng KAMI na maraming naibahagi si Lacson patungkol sa mga paninindigan niya sa ilang maiinit na usapin sa bansa.
Ilan sa mga ito ay ang tungkol sa mining at ilang isyu sa kapaligiran, sa laban ng bansa sa COVID-19 pandemic, sa kahirapan, sa korapsyon, sa lagay ng ating mga kababayang OFW na patuloy pa rin na nangingibang-bansa sa pag-asang mas mabibigyan nila ng maayos na buhay ang kanilang pamilya at maging ang ilang mga sensitibong usapin kabilang na ang droga.
Isa rin sa mga napag-usapan nila ay kung paano niya mapanghahawakan ang pagbabayad sa tumataginting na 11.93 Trillion pesos na utang ng bansa sakaling siya ang hirangin na susunod na pangulo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Maging ang patungkol sa West Philippine Sea at ang personal na usapin patungkol sa suporta kay dating pangulong Joseph Estrada ay kanilang nabigyang pansin.
Subalit ang pinakatumatak umano sa publiko ay ang 'political fast talk' na inihanda ni Abunda.
Ito ay ang katanungang "Bakit hindi dapat na iboto sina senador Bongbong Marcos, Manila Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquiao at Vice President Leni Robredo?"
Pare-pareho ang naging kasagutan niya para sa mga ito dahil umano siya mismo ay tumatakbo bilang pangulo kaya bakit raw niya iboboto ang mga ito.
Nang tanungin naman siya ni Abunda kung bakit, diretsa rin ang kanyang sagot.
"I'll be a bit arrogant. I'm the most qualified, I'm the most competent, I'm the most experienced."
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Boy Abunda:
Bago pa ang one on one interview ni Boy abunda kay Lacson, unang naisa-ere ang presidential interviews ni Jessica Soho.
Dinaluhan ito ng apat sa Top 5 presidentiables na sina Moreno, Pacquiao, Robredo at kabilang din si Lacson.
Tanging si dating senador Bongbong Marcos ang hindi dumalo sa naturang interview ni Soho.
Matapos ang usaping ito, sinabing pinaunlakan naman ni Marcos ang imbitasyon sa kanya ni Abunda kaya inaasahan ng marami ang pagsalang nito sa The 2022 Presidential One-On-One Interviews sa mga susunod na linggo.
Source: KAMI.com.gh