Aika Robredo, dumulog na sa NBI kaugnay sa umano'y pekeng malisyong video niya

Aika Robredo, dumulog na sa NBI kaugnay sa umano'y pekeng malisyong video niya

- Dumulog na sa NBI ang panganay na anak ni Vice President Leni Robredo na si Aika

- Ito ay kaugnay sa pekeng malisyosong video na kumalat di umano online kamakailan

- Nagbigay na sila ng letter of request sa NBI na ma-track umano ang pinagmulan ng mga video

- Matatandaang kinondena na ito mismo ni VP Leni ilang araw matapos kumalat ang 'fake news' na ito patungkol kay Aika

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dumulog na sa tanggapan ng National Bureau of investigation (NBI) si ang anak ng presidential candidate at Vice President Leni Robredo na si Aika kaugnay sa umano'y pekeng malisyosong video niya na kumalat kamakailan online.

Aika Robredo, dumulog na sa NBI kaugnay sa umano'y pekeng malisyong video
Aika Robredo at Presidential Candidate Leni Robredo (Leni Gerona Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bilang aksyon, nagsumite na ng letter of request ang kampo ni Aika sa NBI upang ma-track ang pinagmulan ng nasabing pekeng video.

Read also

VP Leni, ipinakita ang mga laman ng kanyang bag tuwing kampanya

Ayon sa ABS-CBN News, nasa 60 URLs ang umano'y nagkalat at nagsasabing link umano ng malisyosong video ng anak ng bise presidente kahit wala naman.

Sa ulat ng Pilipino Star Ngayon, sinabing balak nang maghain ng reklamo ng abogado ni Aika sa mga taong nasa likod ng mapanirang video laban sa pamilya Robredo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, matatandaang nagbigay na rin ng pahayag si VP Leni kaugnay sa online attack na ito sa kanyang pamilya.

Sa campaign rally sa La Union ngayong Abril 12, nagpaunlak ng maiksing panayam ang bise presidente sa miyembro ng media na naroon.

Sinagot niya ang pagharap umano ng pamilya niya sa mga ganitong klaseng taktika sa pulitika na hindi na raw pala bago sa kanya. Taong 2016 sa kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente ay naranasan na niya na umano'y batuhin ng mga kasinungalingan.

Read also

Jai Agpangan, aminadong nakatanggap ng indecent proposal

"Hindi ako nababawasan noon kasi lahat hindi totoo. Ang tingin ko ang nababawasan noon ay 'yung mga napapapaniwala niya sa kanya,"

Nabanggit din niya na kasalukuyan nang kumikilos ang mga 'Lawyers for Leni' kaugnay sa isyu.

"'Yung mga lawyers will take legal actions. Pero ako, kami ng mga bata, we refuse to be deterred by mga gawa-gawa na ganyan,"
"At dahil dati ako lang 'yung focus ng lahat, Pero ngayon na gumagalaw din 'yung mga anak ko para tulungan ako pati sila biktima na,"
"Kung paano sila lumaban ngayon, ganoon din 'pag nakaupo na sila... Puno ng kasinungalingan, puno ng dumihan"

Narito ang kabuuan ng naging panahayag ng bise presidente na ibinahagi ng Rappler:

Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica